Kaye Abad, taglay pa rin ang kahanga-hangang kagandahan sa kabila ng kanyang edad na 40

Ilang taon man ang lumipas ay patuloy pa rin ang natatanggap na paghanga ng aktres at celebrity mom na si Kaye Abad dahil sa kanyang natatanging ganda.


Credit: @kaye_abad on Instagram

At sa pagdaan ng panahon, ay mas lalo ngang pinatunayan ni Kaye na ang kanyang nakabibighaning kagandahan ay tila hindi pinaglipasan ng panahon, at mas napapanatili pa rin ang kanyang ganda na animo’y hindi tumatanda.

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na pagdating sa usaping showbiz, isa na marahil ang aktres sa labis na hinahangaan ng marami hindi lang sa kanyang ganda kundi pati na rin sa kanyang natatanging husay at galing sa pag-arte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Kaya naman ng siya ay unang masilayan sa teen-oriented show noon sa ABS-CBN na “Tabing Ilog”, ay hindi na nakapagtatakang nabihag ni Kaye ang puso ng madla dahil sa kanyang pagiging simple at magandang kababaihan.


Credit: @kaye_abad on Instagram

At kahit may asawa at dalawang anak na si Kaye, ay tunay ngang mailalarawan ang kanyang kagandahan bilang “timeless beauty”, na siyang patunay lamang nito ang hindi pa rin kumukupas nyang ganda sa kabila ng kanyang edad.

At sa kanyang pagdiriwang ng ika-40 taong kaarawan nito lamang ika-17 ng Mayo, ay muling pinahanga ng aktres ang kanyang mga fans, maging ang kanyang mga kaibigan at ka-trabaho sa showbiz ay hindi rin napigilang purihin ang fresh na fresh at young-looking na mukha ng aktres.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Sa litratong ibinahagi ni Kaye sa kanyang Instagram, ay makikita ang kanyang naging 40th birthday pictorial, na kung saan ay marami ang napahanga dahil sa kanyang timeless beauty.

Maging ang mga netizens at mga kasamahan ng aktres sa industriya ng showbiz ay sumang-ayon sa pagiging fresh at timeless beauty nito sa edad na 40.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Ilan nga sa mga kilalang personalidad na nagbigay ng kanilang komento at pagbati ay sina Dimples Romana, Mariel Padilla, Sunshine Garcia, Candy Pangilinan, Chito Miranda, Diana Zubiri, Camille Prats at marami pang iba.


Credit: @kaye_abad on Instagram

Kasabay ng kanyang pagdiriwang ng kaarawan ay labis namang pinasalamatan ng aktres ang kanyang asawang si Paul Jake Castillo para sa sorpresang inihanda nito, isama pa ang pagiging supportive at loving husband nito para sa kanya.

Aniya, “Today is my day, but this post is for u my love. THANK YOU! Every birthday ko lagi kang may surprise. Kahit lagi ko din sinasabi sayo na gusto ko dinner lang with family ok na ako. Pero Gusto mo laging may something special sa bday ko. Salamat sir!”




Credit: @kaye_abad on Instagram

“I want u to know na u always make me happy kahit walang surprise. (Less gastos mas masaya) thank you kasi lagi mong sinasabi na kaya ko pag feeling ko hindi ko kaya. Thank you for being my no.1 supporter sa mga gusto kong gawin. I love you and the boys so much” saad pa niya.

The post Kaye Abad, taglay pa rin ang kahanga-hangang kagandahan sa kabila ng kanyang edad na 40 appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments