Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang kanyang pinasyalang napakagandang resort na mayroong naglalakihang mga kubo

Marami na nga ang napangiti at nabigyan ng saya ng singer, actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kanyang mga nakakaaliw na videos na ibinabahagi nito sa kanyang YouTube channel.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Isa si Donnalyn sa mga sikat na content creator ngayon, na may pinakamarami ring subscribers na umabot na nga sa 9.2 million ang patuloy na sumusuporta at sumusubaybay sa kanyang YouTube channel.

Maliban sa kanyang angking kagandahan at s3ksing pangangatawan, ay hinangaan rin si Donnalyn sa kanyang kabutihang loob, pagmamahal sa pamilya, at pagiging isang mahusay na singer at performer.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Pagdating naman sa pagbibigay saya at ngiti sa kanyang mga tagahanga, madalas na tampok sa vlog nito ang paggawa ng mga easy and extr3me challenges, pati na rin ang pagtulong sa kapwa, at isama pa ang pagpa-prank sa kanyang mga kaibigan at mga tagahanga.

At dahil patok na patok nga ngayon sa mga celebrities at mga vloggers ang pagpapasilip sa kanilang mga naggagandahan at naglalakihang tahanan na bunga ng kanilang pagsusumikap sa buhay, ay isang panibagong prank muli ang naisip at ginawa ni Donnalyn para sa kanyang mga subscribers.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Sa ibinahaging vlog ng aktres na pinamagatang “My Kubo Mansion Is Finally Done!!!”, ay dito na nga isinagawa ni Donna ang kanyang planong prank na kung saan ay kanyang pinapaniwala ang publiko, na pagmamay-ari niya ang napakaganda at mala mansyong kubo na matatagpuan sa Daanbantayan sa Cebu.

Pagbabahagi ni Donnalyn, nagdesisyon siya umanong magpatayo ng bahay sa probinsya dahil halos buong buhay niya ay naninirahan na siya sa siyudad.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Aniya, “For my whole life, I’ve been living in Manila, and I’ve decided to move to the province.”

Pagpapatuloy niya, “Mag 2 years ko na rin pinapagawa ‘tong bahay na ‘to. Super excited ako, kasi unique siya.”


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Upang simulan nga ang kanyang planong pagpa-prank, ay unang ipinasilip ng aktres ang ilan sa mga kwarto na mayroong queen size bed na makikita mula rito. At ang throw pillows na aniya ay bigaw daw umano ng kanyang mga fans.

Matapos nito ay kanya ring ipinasilip ang mga bathroom, sala, bar na may billiard table, guesthouse para raw umano sa kanyang mga bisita, pamilya at kaibigan, beach front na siyang matatanaw ang kagandahan at relaxing view mula sa beach, at ang kanyang favorite spot ang family cottage.

At sa hulihang bahagi nga ng kanyang vlog ay dito na inamin ni Donnalyn na prank lamang ito at sila ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Coral Blue Oriental Resort, Bantayan Island sa Cebu.

Ayon kay Donna, “Itong mga nakikita niyo, itong lahat ng ‘to na nakikita niyo, hindi sa’kin ‘to.”




Credit: Donnalyn Youtube Channel

Gayunpaman, ay ibinahagi rin ng aktres na balang araw ay magkakaroon din siya ng ganitong kagandang property, na bunga ng kanyang pagsusumikap mula sa mga business na kanyang planong itayo.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

“Ang plano ko actually, may ino-open pa ako na maraming businesses, so that I can have more sustainable income, so that one day I can afford a kubo mansion.”

The post Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang kanyang pinasyalang napakagandang resort na mayroong naglalakihang mga kubo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments