Kylie Padilla, ipinakita ang pagkakahawig nila ng kanyang anak na si Axl noong kanyang kabataan

Minsan ng naging usap-usapan noon sa social media ang litrato na ibinahagi ng Kapuso actress at celebrity mom na si Kylie Padilla. Sa litratong ito ay makikita ang larawan ng ina ni Kylie na si Liezl Sicangco, na kung saan ay talaga naman makikita ang malaking pagkakahawig ng mag-ina sa isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Hindi maikakaila na isa si Kylie sa mga sikat na personalidad sa showbiz na may pinakamagandang mukha, na labis na nagpahanga at bumihag sa puso ng madla.

Kaya naman nang ibahagi ng aktres ang litrato ng kanyang ina na si Liezl, ay ganoon na lamang karami ang kanyang natanggap na papuri at komento mula sa mga netizens, lalo pa’t kahawig talaga niya ito noong nasa edad din nito ang kanyang ina.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang ina ni Kylie ay dati rin palang isang artista, na kung saan ay lumabas na rin ito sa pelikula noong taong 1995.

Patunay nito ay ang isang video clip na ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram nito lamang ika-15 ng Mayo.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Ito nga ang first-ever appearance ni Kylie sa telebisyon, kaya naman hindi rin kataka-takang sa kanyang murang edad pa lamang ay talagang nasa dugo na niya ang pagiging isang mahusay na artista.

Pagbabahagi pa ng aktres, ay hindi rin niya lubos inakala na sa maikling video clip na ito ay mapapansin niya ang malaking pagkakahawig nila ng kanyang anak na si Axl Romeo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Aniya, “My first ever appearance on screen. BOW. My gosh I look so much like Axl huhuhu how time flies so fast.”




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Marami naman sa kanyang mga followers ang hindi rin nagpahuli at nag-iwan ng kanilang mga komento at papuri, lalong-lalo na sa taglay na kagandahan ng mag-ina.

“Agree mommy. Look alike mo dito si Axl, so cute.🤗💗


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

“ang cuteee 😍😍😍😍 🥺 ngayon super ganda naman! 😍😍😍😍

“And then you look so much like your momma. Cutiee kylie✨


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

“Ang ganda sobraaaa huhu parang si mommy mo din po😢😍😍😍😍😍

The post Kylie Padilla, ipinakita ang pagkakahawig nila ng kanyang anak na si Axl noong kanyang kabataan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments