Angeline Quinto, nasurpresa sa inihandang mga pagkain at magagandang bulaklak ng kanyang kasintahan para sa naging pagdiriwang ng Mother’s Day

Kabilang ang mahusay na singer at kinilala bilang isa sa mga Birit Queen ng Philippine showbiz na si Angeline Quinto, bilang isa sa mga first time mommies ngayon na masayang nagdiwang ng Mother’s Day noong ika-8 ng Mayo.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Bilang ito ang kauna-unahang beses na naipagdiwang ni Angeline ang Mother’s Day, ay lubos naman ang kanyang tuwa at pasasalamat sa mga naka-alala at nag-effort na bumati bilang siya ay isa na ngayong ganap na ina.

Aniya, “Sobra akong natutuwa at masayang-masaya talaga ako simula kanina paggising ko, ang aga-aga, ang daming nag-message sa akin. Binati nila ako ng Happy Mother’s Day.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At dahil espesyal ang araw na ito, ay hindi naman nagpahuli ang non-showbiz partner ni Angge na si Nonrev Pelayo Daquina, na naghanda ng munting sorpresa para sa kanyang “babe” na si Angeline.

Sa ibinahaging vlog ng singer nito lamang ika-15 ng Mayo sa kanyang YouTube channel, ay makikita ang naging preparasyon at pagiging hands-on ng kanyang partner para sa inihanda nitong sorpresa para sa kanyang Mother’s Day celebration.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa pagsisimula ng video ay makikitang nagtungo ang partner ni Angge sa grocery store upang mamili ng mga pagkain na ihahanda, at kasabay rin nito ang kanyang pagpunta sa Dangwa upang bumili naman ng flowers na ibibigay nito sa kasintahan.

Makikita rin sa naturang vlog na siya rin mismo ang nag-arrange ng flowers na kanyang binili upang maging isang bouquet. Biro pa nga ng partner ni Angge ay baka mapalitan na raw nito sa trabaho ang lalaking kausap nito sa likod ng kamera.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagkatapos nito ay makikita rin ang kanyang pagtulong sa pagde-decorate ng kanilang pool area, na kung saan ay gaganapin ang naturang pagdiriwang.

At ng dumating ang oras nang pagbaba ni Angge mula sa kwarto bitbit ang kanilang anak na si Baby Sylvio, ay dito naman makikitang nakaabang sa may hagdanan ang kanyang partner hawak ang bulaklak na binili at in-arrange nito, na siyang makikita rin naman ang tuwa at sorpresa sa naging reaksyon ng singer, matapos makita ang ilan sa mga handang pagkain.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Samantala, ipinakita rin naman sa vlog na kanilang nakasama sina Vice Ganda at ina nitong si Nanay Rosario na siyang imbitado rin sa masayang selebrasyong ito ni Angeline.

Labis naman ang naging pasasalamat ni Angge para sa kanyang boyfriend, sa ipinakitang effort at pagmamahal nito upang maisakatuparan ang inihandang sorpresa para sa kanya.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “Gusto ko magpasalamat sa babe ko, sa effort niya. Aga-aga niya gumising para sa surprise sa unang Mother’s Day ko.”

Saad pa niya, “Thank you so much sa flowers, parang natuto ka pa talagang mag-arrange ng bulaklak ah. I love you! Thank you, babe.”

Talaga nga namang ramdam na ramdam na ni Angge ngayon ang pagiging isang ina.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Iba pala talaga yung feeling kapag ka gini-greet ka ng Happy Mother’s Day at talagang na-eexperience mo na kasi nanay ka na. Ang sarap sa pakiramdam.”

The post Angeline Quinto, nasurpresa sa inihandang mga pagkain at magagandang bulaklak ng kanyang kasintahan para sa naging pagdiriwang ng Mother’s Day appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments