Napakasarap naman talaga sa pakiramdam na manirahan sa isang tahanan, na hindi lamang sa loob may angking ganda kundi maging ang tanawin sa labas ay kahanga-hanga rin kung pagmasdan.
Credit: Yeng Constantino Youtube Channel
Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang nahumaling sa mga overlooking view na lugar, na kung saan mapa turista at bakasyunista ay hindi magkamayaw sa kanilang labis na pagkahumaling, sa mga naggagandahan at nakibibighaning overlooking view sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.
Marahil ay isa na rito ang mahusay na singer at songwriter na si Yeng Constantino, na kung saan ay masayang in-eenjoy ang buhay probinsya kapiling ang kanyang asawang si Yan Asuncion.
Credit: Yeng Constantino Youtube Channel
Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ang mag-asawang Yeng at Yan ay nakapagpundar na ng sariling farm sa Quezon at nakapagpatayo na rin ng napakaganda at native vibe na tiny farmhouse mula sa kanilang lupain.
Ngunit tila hindi lamang tiny farmhouse ang makikita sa kanilang farm, kundi papunta pa lang nga tayo sa exciting part na kung saan ay masayang ipinasilip ni Yeng, sa kanyang mga fans na mayroon rin palang napakagandang tanawin na matatanaw mula sa kanilang munting tahanan.
Credit: Yeng Constantino Youtube Channel
Hindi maitatangging isa si Yeng sa mga nahumaling sa mga overlooking view na lugar, na siyang ang kanyang ama na si Joselito ang mismong nag-introduce at nagpakita ng mga ito sa kanya labinlimang taon na ang nakakaraan.
Kwento nga ni Yeng, “15 years ago nang nanalo ako sa Pinoy Dream Academy, isa sa mga lugar na niyaya ako ni Papa na gumimik is sa Antipolo.”
Credit: Yeng Constantino Youtube Channel
“Ilan sa mga ginamit niyang salita para makumbinse ako na pumunta dun is, ‘’Nak! Sobrang ganda ‘dun, sarap ng pagkain tapos may overlooking. Mayroon na kita mo yung siyudad, kita mo yung Mandaluyong, Quezon City, Marikina,’” pagpapatuloy niya.
Aniya, “Dun ko unang na-encounter yung salitang overlooking. Wala pa ko experience actually na makapunta sa Antipolo, kaya nung pagpunta namin ‘dun, sobra akong na-amaze. Kasi nung pumunta kami dun nighttime, tapos kitang-kita mo yung ilaw.”
Credit: Yeng Constantino Youtube Channel
“And from then on, [sa] tuwing magkikita kami, hindi naman palagi, pero madalas kapag nagkikita kami ng Papa ko, lagi niyang name-mention yung ganun,” dagdag pa nito.
Tila sa pamamagitan nga nito ay parehas ng nangarap ang mag-ama na magkaroon ng isang property na kung saan ay matatanaw nila ang kahanga-hanga at makapigil hiningang tanawin ng kanilang lugar.
Kaya naman nang dumating ang araw na minsang nagtungo ang kanyang kapatid na si Cookie upang humanap ng signal sa kanilang farm sa Quezon, ay kanila ngang nadiskubre ang napakagandang tanawing ito na kung saan ay matatanaw ang matatayog na puno ng mga niyog.
Pagbabahagi ni Yeng, “Hindi pa rin talaga namin ni Yan ma-explore tong property na nabili namin. Good thing na si Cookie at yung partner niya, ine-explore ‘tong area. Nahanap nila ‘tong lugar na ‘to by acc!dent dahil sa paghahanap ng signal.”
Credit: Yeng Constantino Youtube Channel
Tunay ngang napakasarap manirahan sa ganitong lugar, lalo pa’t hindi lamang katahimikan ng paligid ang iyong masasaksihan, kundi maging ang mga kahanga-hangang tanawin na nagmumula sa ating kalikasan, ay isa na marahil sa dahilan kung bakit marami ang gustong manirahan sa probinsya.
“Sobrang saya ko lang kasi yung dating laging mine-mention ni Papa na overlooking ay finally mayroon na talaga kami. Hindi lang basta mayroon kami, talagang na-eenjoy ‘to ng Papa ko everyday [pati na rin] yung kapatid ko tsaka yung partner niya ay tumatambay talaga sila dito.”
The post Yeng Constantino, may pasilip sa napakagandang tanawin sa labas ng kanilang ipinatayong bahay sa probinsya appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments