Ruffa Gutierrez, walang kupas pa rin ang kagandahang taglay kahit sa edad na 47

Hindi maikakaila na isa sa mga tinitingalang personalidad sa showbiz ngayon na nagtataglay ng walang kupas na kagandahan mula noon hanggang ngayon ay si Ruffa Gutierrez.

Ang aktres at beauty queen na si Ruffa ay isa sa mga female artist sa mundo ng showbiz, na nagpakita ng kabigha-bighaning kagandahan.

Sinimulang pasukin ni Ruffa ang pag-aartista matapos siyang mapabilang noon sa “That’s Entertainment”, na kung saan ay marami ang kanyang napabilib dahil sa kanang taglay na talent sa pag-arte.

Ngunit sa pamamayagpag ng kanyang karera ay hindi lamang talento sa pag-arte ang kanyang ipinakita, kundi maging ang pagiging isang modelo at beauty queen ay isa rin sa kanyang ibinida.

Kaya naman noong taong 1993 ay nakamit nga ni Ruffa ang titulong 2nd runner up matapos siyang sumabak sa Miss World pageant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


At sa kabila nga ng kanyang natamong kasikatan, ay sino ang mag-aakala na sa edad na 47 ay taglay pa rin ni Ruffa ang kabigha-bighaning kagandahan at kas3ksihan lalo pa ngayon na siya ay may 2 anak na sa dating asawa na si Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Hindi nga maikakaila na lumipas man ang ilang dekada, ay napapanatili pa rin ng celebrity mom ang kanyang taglay na kagandahan.

At kasabay nga ang pasok ng tag-init o summer sa Pilipinas ay pinasiklab rin ni Ruffa ang social media, matapos niyang ibahagi ilan sa kanyang mga naggagandahang litrato habang nakasuot ng swimwear at s3xy dress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


Kaya naman, marami sa mga netizens ang nag-iwan ng komento na puno ng paghanga sa kanyang larawan at maging ang mga kapwa celebrity ay hindi rin nagpahuli na purihin ang kagandahan at kas3ksihan ng celebrity mom.

Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang komento ay sina Kim Chiu, Melai Cantiveros-Francisco, Samantha Bernardo, Vina Morales, at marami pang iba.



Komento ng mga netizens, “Grabeeehhhhhhh miss ruf🔥🔥🔥🙌🙌🙌

“I love thisssss😍🔥🔥🔥

“Pwede ulit il@ban sa Miss World 🌍❤

“Wlang kupas ❤ queen ruffa 🥰

The post Ruffa Gutierrez, walang kupas pa rin ang kagandahang taglay kahit sa edad na 47 appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments