Mag-asawang Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto, maagang nag-enjoy sa kanilang summer vacation kasama ang anak nilang si Tali

Sa nalalapit na pagdating ng summer ay ramdam na ramdam na nga ang init ng panahon, kaya naman paniguradong sa ganitong panahon ay marami na naman ang nagbabakasyon sa ilan sa mga naggandahang tourist spot ng bansa.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At tiyak na kapag sinabing bakasyon ay talaga naman ang ilan sa atin ay handang-handa na pumunta ng beach, upang umawra at ibida ang kanilang mga fit and s3xy body.

Kaya naman ang mag-asawang Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto ay hindi pinalagpas ang pagkakataong ito, upang masulit ang kanilang mga oras na makapag-relax, i-enjoy ang ganda ng paligid at sariwang hangin mula sa beach.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa litratong ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram account nito lamang Lunes, ika-14 ng Marso, ay makikita ang masayang pagbabakasyon ng mag-asawa sa isang napakaganda at hindi pinangalanang beach, na kung saan ay kanila ring nakasama ang napaka-cute nilang anak na si Tali.

Sa litratong ito ay makikita ang nakakakilig na picture ng mag-asawa suot-suot ang kanilang beach outfit, habang nakatayo at sweet sa isa’t-isa.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At katulad ng naging caption ni Pauleen, ay kanyang pinasalamatan ang Panginoon sa oras at panahon na kanyang nakasama ang pamilya at na-enjoy nila ang pagbabakasyon sa beach ng magkakasama.

Aniya, “Thank you Lord for this time”.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Samantala, isang maikling video clip naman ang ibinahagi rin ng celebrity mom, na kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na, “The BEST part”.


Sa unahang bahagi ng video clip ay makikitang nakasuot ng pantulog si Pauleen habang siya ay naghihikab, at ng kanyang buksan ang pintuan ay dito na nagkaroon ng transition na siyang nagtungo naman sa napakaganda at relaxing beach na kanilang pinuntahan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Tila hindi lamang ang mag-asawa ang nag-enjoy sa napakasayang trip na ito, kundi maging ang napaka-cute na si Tali ay makikita rin sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan sa kanilang naging bakasyon.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang kanilang mga larawan, na kung saan ang ilan sa kanila ay nag-iwan ng kani-kanilang mga komento sa naturang post na ito ni Pauleen.

The post Mag-asawang Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto, maagang nag-enjoy sa kanilang summer vacation kasama ang anak nilang si Tali appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments