Ryzza Mae Dizon, masayang ibinahagi ang nalalapit na pagtatapos sa kanyang ipinapagawang dream house sa Pampanga

Sa nalalapit na pagtatapos ng ipinapatayong dream house ng Kapuso young actress at TV host na si Ryzza Mae Dizon, ay muli niyang isinama ang publiko sa huling update patungkol sa kanilang under construction house sa Pampanga.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Ang bahay na ito na ipinapatayo ni Ryzza ay para sa kanyang pamilya, na siyang magiging bago nilang tahanan makalipas ang ilang taon na paninirahan nila sa unang bahay na ipinatayo rin nito sa Quezon City.

Sa nine-minute vlog na ibinahagi ni Ryzza sa kanyang YouTube channel, ay kanyang sinabi na nasa 95% na raw ang natatapos sa kanilang ipinapatayong dream house.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Aniya, “Pinag-uusapan namin na 95% is tapos na talaga, kasi nung nakaraan 90% pa lang.”

Dagdag pa ni Ryzza, “Kasi halos complete na, may tiles na, tapos yung ibang gamit na-transfer na dito, mayroon na din kaming gate.”


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

“Yung 5% na kulang, yung vinyl [na ilalagay sa 2nd floor] tapos yung isang sliding door at main door,” saad naman ng kanyang ina.

Sinimulan ni Ryzza ang pagpapasilip sa kanilang house update sa labas ng kanilang tahanan, na kung saan ay kanyang ipinakita ang pagkakabit at paglalagay ng paint sa kanilang gate.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Matapos nito ay kanya ring ipinasilip ang paglalagay ng tiles sa ilabas na bahagi ng kanilang bahay, at ang ilan sa mga essentials na makikitang nakakabit na rin sa kanilang bathroom sa 2nd floor.

Pagdating naman sa magiging kwarto ni Ryzza, ay makikitang vinyl na lamang ang kulang rito at maaari ng paglagyan ng kanyang mga gamit.

Pagbabahagi niya, “Vinyl na lang po ang kulang sa room ko, and kapag nakabit na ‘yun pwede na mag ayos-ayos at mag-decorate, so super excited ako sa part na ‘yun.”

Pagdating naman sa 1st floor ay ipinasilip rin ni Ryzza ang paglalagay ng granite at ng pintura sa bawat cabinet sa kanilang kitchen, pati na rin ang paglalagay ng stove sa kanilang magiging kitchen island.

Tila magkahalong black, white at gray naman ang makikitang kulay sa loob ng kanilang dream house, na kung saan ay bumagay rin ang ilan sa mga classic furnitures na makikita mula dito.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Bago ang pagtatapos ng house update ni Ryzza, ay kanya ring ipinaalam sa mga viewers na sa kanyang next vlog, ay masasaksihan ang magiging kaganapan sa kanilang pag-aayos ng mga gamit kapag tuluyan na ngang natapos ang pagpapatayo sa kanilang bahay.

“siguro sa next vlog is yung kung paano namin ayusin yung mga gamit na from Quezon City to Pampanga.” saad niya.

The post Ryzza Mae Dizon, masayang ibinahagi ang nalalapit na pagtatapos sa kanyang ipinapagawang dream house sa Pampanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments