Alex Gonzaga, binisita ang napakaganda at ubod ng lawak na bahay ni Yassi Pressman

Hindi maikakaila na marami na ang napapasaya ng aktres, singer, at vlogger na si Alex Gonzaga, dahil sa kanyang taglay na kakulitan, pagiging palabiro at masiyahin sa harapan o likod man ng kamera.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Kaya naman hindi nakapagtataka na marami ang patuloy na sumusubaybay sa kanyang YouTube channel, na kung saan ay marami ang kanyang napapangiti at napapatawa.

At dahil likas na sa aktres ang pagiging isang komedyante, ay tila hindi naman nakaligtas ang mahusay na aktres at dancer na si Yassi Pressman, upang makisabay sa kakulitang taglay ng isang Alex Gonzaga.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Isa na namang nakakatawa at exciting vlog ang hatid ni Alex sa mga netizens, matapos nitong bisitahin ang napakaganda at mala mansyong tahanan ni Yassi, na kanyang ibinahagi nito lamang S.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ni Yassi ang kanyang bahay sa pamamagitan ng house tour na ginawa ni Alex, na kung saan ay makikita ang ilan sa mga naggagandahang disenyo at napakalaking tahanan ng aktres.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ang bahay na ito ni Yassi ay may lawak at laki na 750 square meters, na ayon sa kanya ay dati raw empty lot ang katabing bahagi ng kanilang bahay na kaniya rin naman binili noong nakaraang taon.

Maliban sa laki at ganda ng disenyo ng mala mansyong tahanan ni Yassi, ay makikitang voice acitivated rin ang ilang bahagi ng kanyang bahay.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Karamihan naman sa makikitang paintings sa loob ng kanyang bahay ay gawa mismo ng kanyang kapatid na si Issa pressman, at maging ang disenyo ng ilan sa kanilang mga kagamitan ay disenyo rin nila magkapatid.

Pagbabahagi ni Yassi, “karamihan ng mga paintings dito gawa ni Issa.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ilan sa mga ipinasilip ng aktres ay ang kanilang living room, office room na dating office umano ng kanyang Daddy, gym area, stock room, at customized steam.

Makikita rin ang relaxing at napakagandang movie room ni Yassi, na siyang isa ring music studio.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Pagdating naman sa kanyang pavilion, ay mamangha ka naman sa lawak at laki ng lugar, na kung saan ang ilan sa mga disenyo na makikita mula rito ay inspired umano sa mga nakita nilang disenyo sa Pinterest.

Sunod rin na ipinakita ng aktres ang kanilang pool area at kitchen, pati na rin ang mga alagang aso at ahas ni Yassi.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

At kagaya ng karamihang house raid na ginagawa ni Alex sa kanyang mga kaibigan, ay hindi rin niya pinalampas na gumawa ng kalok0han na kung saan ay pabiro niyang binigyan si Yassi ng standee ni Coco Martin.

Aniya, “Gusto ko lang na para sa s@fe ka dito, alam mo na laging may pr0teksyon, iiwan ko na sa’yo ‘to. Si Cardo.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

“At least kahit papano s@fe ka na, para kapag may delivery alam nila na ‘D3likadong anuhin ‘to, andito si Cardo Dalisay’,” dagdag pa nito.

Matatandaang minsan ng naging bahagi si Yassi ng FPJ’s Ang Probinsyano, na kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Alyana Dalisay na naging asawa ng bidang si Cardo Dalisay.

The post Alex Gonzaga, binisita ang napakaganda at ubod ng lawak na bahay ni Yassi Pressman appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments