Aktres at celebrity mom na si Kylie Padilla, nagkaroon ng masayang overnight trip kasama ang kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl

Sa kabila ng kalungkutan at h!rap na kanyang pinagdaanan ay patuloy na pinatunayan ng Kapuso actress na si Kylie Padilla, na sa kabila man ng kanyang pagiging isang single mom ay naibibigay pa rin niya ang nag-uumapaw na pagmamahal at pag-aaruga sa kanyang dalawang anak.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Tila hindi nga naging hadlang para kay Kylie na gampanan ang kanyang responsibilidad bilang isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Matatandaan na noong taong 2018 nang ikasal si Kylie sa kanyang asawa na si Aljur Abrenica, na siyang nagbunga rin ang kanilang matamis na pagmamahalan noon ng dalawang supling.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Ngunit ang matamis na pagmamahalan ng mag-asawa ay nauwi rin sa hiwalayan, na siyang ma1nit na pinag-usapan noong nakaraang taon at umani ng samu’t saring emosyon at komento mula sa publiko.

At sa kabila nga ng di magandang pangyayari ay hindi naman rito natatapos ang pagl@ban ni Kylie para sa kanyang mga anak, na nagbibigay ng tapang at katatagan sa kanya na harapin ang magandang buhay kasama ang kanyang dalawang anghel.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Kaya naman, ang single mom ay pinatunayan na kahit siya man ay mag-isa at sa dami man ng kanyang nakapilang trabaho, ay hindi nakakaligtaan ni Kylie na maglaan pa rin ng oras at panahon upang makasama ang kanyang mga boys.

Nito lamang Martes, ika-15 ng Marso ay isang masayang video clip ang ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikita ang masasayang ngiti ng mag-iina habang in-eenjoy ang kanilang mga oras na nakaupo sa duyan.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Tila isang masayang overnight trip nga ang ginawa nilang tatlo sa Barangay Daraitan, sa Tanay, Rizal, na kung saan ay labis ring napamahal si Kylie dahil sa ganda ng paligid at ang nakaka-relax na vibes na hatid ng kalikasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


Aniya, “Thank you @camp.agos.daraitan for our overnight trip. I love your place nothing like bonding with my kiddos and nature to realign and relax. Balik kami soon.”




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Maliban pa diyan ay nagbahagi rin ang aktres ng mga litrato na kuha mismo sa naturang lugar, na kung saan ay makikita ang pagre-relax ng magkapatid na sina Alas at Axl habang nakaupo sa kawayan at masayang in-eenjoy ang pagtanaw sa ganda ng kapaligiran.

Marami sa mga netizens ang natuwa at nagbigay ng kanilang saloobin at komento sa nakakatuwang bonding time ng mag-iina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)


“Happy tlga lalu n kasama ang mga gwapong mga baby u❤❤❤”.

“Aaaaw. Quality time with the kids is the best time! Enjoy and have fun mommy Kylie ❤”.

The post Aktres at celebrity mom na si Kylie Padilla, nagkaroon ng masayang overnight trip kasama ang kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments