Yamyam Gucong, masayang ibinalita na babae ang magiging anak nila ng kanyang non-showbiz girlfriend

Kasabay nang pag-anunsiyo ng engagement ng PBB 2019 Big Winner na si Yamyam Gucong noong nakaraang Oktubre 20, sa kanyang non-showbiz girlfriend, ay siya rin namang magandang balita ang hatid ngayon ni Yamyam sa madla.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Ang magandang balita nga na ito ay inanunsyo ni Yamyam sa kanyang Instagram account, na kung saan ang Iskulit Bay ng Bohol ay siya na ngayong soon-to-be father sa kanilang paparating na sanggol.

Nito lamang Sabado, ika-29 ng Enero ay isang sonogram ang ibinahagi ni Yamyam na kung saan ay makikitang may nakasulat na “Baby Girl” sa naturang litrato.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Kalakip ang litrato na may caption na, “Coming princess”, ay tila marami na nga sa kanyang mga supporters ang labis na natuwa at na-excite para sa paparating na biyaya sa buhay ngayon ni Yamyam.

Ayon sa kanilang mga ibinigay na komento, “Priceless gift from God👼 Congrats kuya Yam😍💕

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


“Wooow❤❤❤ God bless you soon baby girl😍❤❤

“Hala uy congratsss daddy yamyam!!! God bless!😍❤

“Congrats kuya Yam Yam 👏👏❤❤


Credit: @gucongyamyam on Instagram

“Wow congrats kuya yamyam😍😍😍😍

Samantala, bumuhos naman ang pagbati rin ng mga kaibigan at kasabayan ni Yamyam noong sila ay mga kapwa housemates pa lamang sa Pinoy Big Brother house.

Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang mga komento ay sina Andre Brouillette, Fumiya Nishida, Lou Yanong at Mikey Perz.


Credit: @gucongyamyam on Instagram

Komento ni Andre, “Sana oil”.

😍😍” reaksyon naman ni Fumiya.

Ayon naman kay Lou, “Gahhh !! 😍




Credit: @gucongyamyam on Instagram

“Yahoo. Masaya to. ❤ congrats” Pagbati rin ni Mickey.

Tila napakasaya nga naman ng pagpasok ng taon para kay Yamyam at sa kanyang kasintahan, na ngayon ay magiging soon-to-be husband and wife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Samantala, sa araw naman ng mismong kaarawan ni Yamyam noong December 8 ng nakaraang taon, ay makikita rin dito ang malaking baby bump ng kanyang iniirog.

Aniya, “I dont need more money I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me”.

The post Yamyam Gucong, masayang ibinalita na babae ang magiging anak nila ng kanyang non-showbiz girlfriend appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments