Bea Alonzo at Dominic Roque, nagbigay ng matatamis na mensahe sa isa’t isa sa kanilang pagdiriwang ng kanilang anniversary

Kakaiba ang naging pagdiriwang ng unang anibersaryo ng isa sa mga labis na kinakikiligan at hinahangaan na celebrity couple ngayon na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Kung ang ibang magkasintahan, ay mas pinipili ang magbigayan ng mga regalo at kumain sa romantikong dinner date upang maipagdiwang ang kanilang anibersaryo bilang tanda ng kanilang pagmamahahalan, ay ibahin naman naman natin sina Bea at Dominic.

Dahil nito lamang Biyernes, ika-28 ng January, na siyang mismong araw na sinagot ni Bea ng matamis na ‘Oo’ ang kasintahan, ay masayang ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 1st anniversary sa pamamagitan ng isang museum date.


Credit: @beaalonzo on Instagram

At kung tatanungin kung bakit nga ba hindi dinner date ang ginawa ng dalawa na madalas nilang ginagawa noon, ay tila naka-strict diet nga raw ang aktres na si Bea para sa pinaghahandaang sh0ot nito.

Aniya, “naka-strict diet ako for a shoot this week, so bawal mag-dinner dinner date. Buti na lang naisipan nyang museum date na lang muna.”




Credit: @beaalonzo on Instagram

Makikitang masayang nag-museum date ang dalawa sa Pinto Art Museum na matatagpuan sa Antipolo, Rizal.

Bago nga maganap ang museum date na kanilang ginawa ay makikita namang sinorpresa ni Dominic ng bouquet of roses ang kanyang kasintahan.

“I love you” mensahe ni Bea.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Maliban pa diyan ay makikita ring nagbahagi si Dominic ng isang litrato sa kanyang IG story ng isang cake na may dedication na, “And at every table, I’ll save you a seat.”

Nilakipan naman nito ng aktor ng caption na, “Love youuu..”

Samantala, isa namang maikli at taos pusong mensahe ang ibinigay na anniversary message ni Bea kay Dominic, matapos nitong ibahagi ang kanilang sweet picture na magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Mensahe niya, “It took so much patience from you, but here we are. And I have to say, and it’s one of the best decisions I’ve ever made. Happy anniversary, hun @dominicroque”

Dahil dito ay marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang kinilig at nag-iwan ng kanilang pagbati at komento, maging ang mga supporters ng magkasintahan ay hindi rin nagpahuli.


Credit: @beaalonzo on Instagram

The post Bea Alonzo at Dominic Roque, nagbigay ng matatamis na mensahe sa isa’t isa sa kanilang pagdiriwang ng kanilang anniversary appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments