Heart Evangelista, ibinahagi ang kaniyang mga nakabibighani at naggagandahang OOTD para sa France

Kung ang pag-uusapan lang rin naman ay fashion, tiyak na unang maiisip agad ng karamihan ay ang mga natatangi at mamahaling kasuotan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


At kung tatanungin kung sino nga ba sa mga sikat na personalidad sa showbiz ngayon ang bongga pagdating sa kanyang mga kasuotan at may natatanging style, tiyak na ito nga ay walang iba kundi ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

Kilalang-kilala nga si Heart ng publiko pagdating sa kanyang kahanga-hangang taste pagdating sa fashion, na talaga namang kahit anong style ng kasuotan ay bagay na bagay sa kanyang anking kagandahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Kaya naman makalipas ang halos dalawang taon matapos magsimula ang p@ndemya, ay tila natuloy na nga ang inaabangan na fashion week ngayong taong 2022 sa Paris, France.

Sa magkakasunod na social media post ni Heart, ay makikita ang iba’t-ibang video ng aktres na kung saan ay kanyang ibinida ang mga naggagandahang OOTD’s.


Credit: @iamhearte on Instagram

Maliban pa rito, ay ibinahagi rin ni Heart ang magandang balita na siya ngayon ay bahagi na ng kilala at pinakatanyag na French luxury fashion house ang Dior.

Aniya, “Ecstatic to spend my time here in Paris with a brand that has always been close to my heart Merci @dior, for making me part of your ever-growing family! Can’t wait for mademoiselle @mariagraziachiuri ‘s masterpieces #dior #diorcouture”.




Credit: @iamhearte on Instagram

Tila pakiramdam pa rin ni Heart ay nasa cloud nine pa rin siya, matapos maimbitahan at masilayan ang napakagandang fashion show na ito sa Paris.

Ayon sa aktres, “Still on cloud nine over that amazing #DiorCouture show! Bravo, @MariaGraziaChiuri”.


Credit: @iamhearte on Instagram

Bukod sa Dior, ay makikita rin ang ilan sa mga naggagandahang designer pieces na kasuotan ni Heart, at ang ilan nga sa mga ito ay ang Chanel, Balmain, and Louis Vuitton.

Magmula sa mga mamahalin at nakabibighaning kasuotan ng aktres, ay sino nga ba naman ang hindi mahuhumaling sa kagandahan nito, isama pa ang natural na ganda ng isang Heart Evangelista.

The post Heart Evangelista, ibinahagi ang kaniyang mga nakabibighani at naggagandahang OOTD para sa France appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments