Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang bago at magandang bahay na kanyang ipamimigay sa kanyang mapipiling tagahanga

Isang bonggang sorpresa nga naman talaga ang hatid ng Kakaibabe singer at sikat na YouTuber na si Donnalyn Bartolome sa kanyang mga fans at tagasuporta.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Nito lamang ika-26 ng January, ay masayang ipinasilip ng singer-actress ang fully furnished house na nagkakahalaga lang naman ng 2 million.

At dahil gusto ni Donnalyn na ibalik sa kanyang mga fans ang pagmamahal at suporta na kanyang natatanggap, bilang sorpresa at regalo ay isang two-storey house ang kanyang ipamimigay sa mananalo.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Ang naturang bahay daw na ito ayon kay Donnalyn ay tila easy access rin para sa mga maninirahan dito, dahil bukod sa ito ay malapit sa simbahan, malapit rin ito sa palengke at paaralan.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

At dahil fully furnished ang nasabing bahay, ay makikitang mayroon na ring ilang mga kagamitan na binili si Donnalyn, tulad na lamang ang TV, sofa, electric fan, cabinet, at air purifier na makikita sa living room.




Credit: Donnalyn Youtube Channel

Pagdating naman sa dining area, ay mayroon na ring microwave oven at sa mga banyo naman ay may pa-bonus pang blow dryer at electric toothbrush ang singer.

At kung ang pangarap mo naman ay magkaroon ng washing machine, tila ang bahay na ito ay perfect rin para sayo dahil mayroon na ring washing machine at gas stove na binili si Donnalyn.

Pagdating naman sa bawat kwarto, ay makikitang isang room ang maaaring gawing kid’s room o hindi naman kaya ay study room.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

May convertible bed din na kasama, cellphone, laptop at maleta na siyang matatanggap ng sino man na kanyang mapipili.

Magmula naman sa master’s bedroom, ay makikita rin dito ang isang queen size bed, TV, electric fan, air purifier, cabinet, bags at maliban pa diyan ay may tablet ring kasama.


Credit: Donnalyn Youtube Channel

Kaya naman sino ba naman ang hindi ma-eexcite at mamangha sa ganitong sorpresa at bonggang regalo na iyong matatanggap.

The post Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang bago at magandang bahay na kanyang ipamimigay sa kanyang mapipiling tagahanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments