Aktres na si Ysabel Ortega, masayang ipinasilip ang kanilang pag-ani ng mga kamote, mais at luya sa kanilang malawak na farm sa La Union

Ang pagkakaroon ng isang malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto, at nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng bawat tao.


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Kaya ang pag-iinvest sa isang lupain ay hindi lamang nakatutulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng isang indibidwal, kundi nagbibigay rin ito ng sariwang hangin na nagmumula sa mga puno at halaman na iyong itinanim.

Kaya naman ang 22-year-old actress na si Ysabel Ortega, ay masayang ini-enjoy ang buhay ngayon sa probinsya maging ang pagiging hands-on sa kanilang malawak at malaking farm sa La Union.


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya sa bansa, ay siyang naging abala rin si Ysabel sa pagtulong sa kanilang farm, na siya namang ibinabahagi ng dalaga sa kanyang sariling YouTube channel.

Matatandaang naibahagi noon ng aktres sa kanyang mga previous vlogs ang kanilang lemon plantation at ang sariling poultry farm sa publiko, kaya naman ngayon ay isang exciting farm tour muli ang ibinahagi ni Ysabel sa kanyang manunuod.




Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Sa kanyang pinamagatan na “A Day in My Life at The Farm” vlog, ay masayang ipinasilip ni Ysabel ang ilan sa kanilang mga tanim na prutas at gulay, pati na rin ang tamang pagha-harvest sa mga ito.

Magmula sa kanilang lemon plantation ay doon naman makikita ang kanilang sariling poultry farm. Sa kabilang bahagi naman ng kanilang lupain ay siya namang makikita ang mga pananim nilang kamote, mais, luya at mangga.


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Pagbabahagi ni Ysabel, “Even before na inumpisahan na magtanim ng iba’t-ibang mga plants, mayroon naman ng mga existing dito na nakatanim. We had santol, chico, rambutan, mango, guyabano, lanzones, orange, suha, lemon, jackfruit, saging, at sampaloc”.

Sa bawat makikitang tanim na puno sa kanilang farm, ay makikita naman ang sari-saring pananim na luya, na ayon pa sa aktres ay sinisiguro nilang bawat puno ay mayroong tanim na luya sa bawat pagitan nito.


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Aniya, “Buong slope ng bundok namin, punong-puno ng luya and we really make sure na in between the trees we have right now, puro may luya kasi sayang naman din yung land na nakapalibot sa puno.”


Credit: Ysabel Ortega Youtube Channel

Tila totoo nga ang kasabihan na kapag may itinanim ay paniguradong may aanihin, kaya naman sa kanilang malawak na lupain sa La Union ay ganoon na lamang ang naibibigay na tuwa at saya nito para sa aktres na si Ysabel na masilayan na unti-unti ng namumunga ang kanilang mga pananim.

The post Aktres na si Ysabel Ortega, masayang ipinasilip ang kanilang pag-ani ng mga kamote, mais at luya sa kanilang malawak na farm sa La Union appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments