Napaka-cute na anak ni LJ Reyes na si Summer, masayang ipinagdiwang ang kaarawan sa New York

Mahigit ilang buwan na rin ang nakalipas magmula nang mapabalita ang hiwalayan ng dating magkasintahan na sina LJ Reyes at dating nobyo nito na si Paolo Contis.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nagwakas matapos ang anim na taon nilang pagsasama, na nagbunga ng isang supling na babae na kanilang pinangalanan bilang si Summer.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Ilang buwan pa nga ang bibilangin upang tuluyang maramdaman ang tag-init sa bansa o ang hinihintay ng madla na summer season. Ngunit matatagalan man, ay tila wala naman makakapigil sa pagbibigay ng labis na pagmamahal ni Summer sa kanyang Mama LJ.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Sa katunayan, ang kanilang naging paglipad patungong New York ang naging bagong buhay at pag-asa ngayon ng aktres.

Marami man ang nalungkot sa kinahinatnan ng relasyon nina LJ at Paolo, ay hindi naman rito natatapos ang ibinibigay na pagmamahal nina Summer at Aki na siyang naging kalakasan ng celebrity mom sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.




Credit: @lj_reyes on Instagram

Kaya ngayon sa ikatlong kaarawan ni Summer ay isang taos pusong mensahe ang ibinahagi ni LJ sa kanyang Instagram, kalakip ang mga cute na cute na litrato nito bilang pagbati sa kaarawan ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Ayon sa kanya, “I wanna say “I can’t believe you’re 3!” but it has always felt like you’re much older than you actually are!”

Inilarawan ni LJ ang kaniyang bunsong anak bilang “God-sent angel” na patuloy na nagbibigay sa kanya ng tuwa at saya sa araw-araw na sila ay magkasama.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Aniya, “You are a God-sent angel who never fails to brighten up our day with your non-stop talking and singing and dancing too! Thank you for bringing so much joy in my life! I am so grateful to be your mother! continue making pa-cute to mommy kasi kilig na kilig ako love you sooooo much my love Summer! Happiest birthday!!!”


Credit: @lj_reyes on Instagram

Hindi maikakaila na sa kanilang mga masasayang litrato mag-iina sa social media ay kumakatawan ito sa isang masaya at puno ng pagmamahalang pamilya. Wala man silang padre de pamilya, ay sapat nang makita ang masaya at totoong ngiti sa mga labi ngayon nina LJ at ng kanyang mga anak.

The post Napaka-cute na anak ni LJ Reyes na si Summer, masayang ipinagdiwang ang kaarawan sa New York appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments