Iya Villania, masayang inanunsiyo ang kanyang pagbubuntis sa ikaapat nilang anak ni Drew Arellano

Kasabay ng pagpasok ng taong 2022 ay siya rin namang magandang balita ang hatid ng Kapuso at Mars Pa More host na si Iya Villania sa kanyang asawang si Drew Arellano at inang si Elena.


Credit: @iyavillania on Instagram

Tila napakaganda nga ang pasok ng taon para sa celebrity mom, dahil nito lamang ika-3 ng January ay masayang ibinalita ni Iya sa kanyang latest vlog ang kanilang itinatagong sikreto ng kanyang panganay na anak na si Primo.

Ayon kay Iya, “Kuya Primo and I have a secret, so nobody knows yet.”


Credit: Life with the Arellanos Youtube Channel

Ang “little sectret” nga na tinutukoy na ito nina Iya at Primo ay ang pagdadalang tao muli ng Kapuso host sa ikaapat na supling nila ng kanyang asawang si Drew.

Bago pa man ang planong secret reveal ni Primo sa kanyang Papa Drew, ay ibinahagi na ni Iya na halos isang linggo na daw niya inililihim ang kanyang pagbubuntis sa asawa.


Credit: Life with the Arellanos Youtube Channel

Kwento ni Iya, “How long has been I keeping this secret? Siguro It’s probably around almost a week,”
Dagdag pa niya, “That is our secret, hindi pa alam ni Drew. A few people know like my sisters – but my Mom and Drew do not know yet.”

Ayon kay Iya, ay tila hindi nga daw naging madali at nahirapan siyang itago kay Drew ang kanyang pagbubuntis ngayon, dahil umano sa kanyang nararamdamang morning s!ckness.




Credit: Life with the Arellanos Youtube Channel

Pagbabahagi niya, “It’s been a little hard this time around, medyo nag-struggle na ko to keep it a secret, because morning s!ckness is time around has not been good.”

Aniya, “Actually, medyo old days s!ckness, so that’s been the hardest part [from] the things I used to like, hindi ‘ko na masyado type. Like I love curry, right now it’s just not my thing. Even my juices that I would look for to drink in the morning and at night, ‘di ko rin type.”


Credit: Life with the Arellanos Youtube Channel

At sa naganap na masayang camping ng Arellano family sa Tanay ay dito na ibinunyag ni Primo sa kanyang Papa Drew, na nagdadalang tao muli ang kanyang Mama Iya.

Matapos marinig ang balitang ito, ay makikita ang masayang reaksyon sa mukha ni Drew na siyang ayon pa sa kanya, “What an adventure! Ginusto natin ‘to.”


Credit: Life with the Arellanos Youtube Channel

At sa araw naman ng ika-64th birthday ng ina ni Iya na si Mama Elena, ay dito naman niya sinabi na siya ay nagdadalang tao, na siya namang ibinunyag ng celebrity mom sa nakalagay na birthday greeting sa cake nito.

Ayon sa OB-Sonologist ni Iya na si Dr. Cesmar Villanueva, siya raw ay nakatakdang manganganak sa June 15.

The post Iya Villania, masayang inanunsiyo ang kanyang pagbubuntis sa ikaapat nilang anak ni Drew Arellano appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments