Diana Zubiri, ibinahagi ang nakakabighaning litrato ng kanyang napaka-cute na 1-year-old na anak na si Baby Amira Jade

Isa ang aktres na si Diana Zubiri na talagang hinahangaan ng mga manonood noong 90’s.

Dahil sa kanyang anking ganda ng itsura at pangangatawan ay hindi kataka-takang marami ang sa kanya ay humahanga, lalo pa at ng kanyang ipamalas ang natatanging husay at talento sa pag-arte.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

Kaya naman nakilala rin ang aktres sa husay nito sa pag-arte dahilan para mapabilang ang kanyang mga ginampanang karakter mula sa mga sikat na palabas noon.

Isa sa mga karakter na ginampanan niya na tumatak sa madla ay ang kanyang role bilang si Danaya sa napakagandang teleserye noon ang “Encantadia”.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

Makalipas ang ilang bigating proyekto na kanyang ginampanan ay nilisan na ni Diana ang mundo ng showbiz, upang mamalagi sa isang mapayapa at simpleng buhay kasama ang kanilang nabuong pamilya ng kanyang asawa na si Andy Smith.

Sa kanilang tunay at tapat na pagmamahal para sa isa’t-isa, ay biniyayaan ang lovely couple ng 2 anak na sina Alliya Rose at ang bunso naman na si Amira Jade.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

Ngunit ang tila pumukaw naman sa atensyon ng nakararami ay ang napaka-cute na 1-year-old na si Baby Amira Jade, na kung saan ay marami ang napahanga sa ganda ng kulay ng kanyang mga mata.


Light gray ang kulay ng mga mata ni Baby Amira, na kung saan ay ito ang kadalasang napapansin ng mga taong nakakakita sa kanya sa personal.

Isama pa ang mga litrato na ibinabahagi ng kanyang mga magulang sa social media, na talaga namang humakot ng paghanga sa kanilang mga fans.




Credit: @dianazubirismith on Instagram

Isa na nga rito ay ang napaka-cute na litrato ni Baby Amira, na kung saan ay makikita ang kanyang magagandang mga mata habang nasisinagan ng araw ang mga ito.

Dahil dito ay marami naman ang humanga sa napakagandang kulay ng mata ni Baby Amira, katulad na lamang ang mga kaibigan sa showbiz ni Diana na sina Kim Rodriguez, Iwa Moto, Jessa Zaragoza, at ilan pa sa mga komento ng mga netizens na labis ring namangha sa taglay na kakyutan nito.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

“Parang doll, sobrang cuteeeee❤❤

“Ganda ng mata 😍🤍🤍🤍

“So cute😍 Tiger eyes like your eyes idol @dianazubirismith 👁👁👀

The post Diana Zubiri, ibinahagi ang nakakabighaning litrato ng kanyang napaka-cute na 1-year-old na anak na si Baby Amira Jade appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments