Anne Curtis, ipinasilip ang napakalamig at masayang bakasyon kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa

Pag ganitong okasyon, masarap nga namang magpunta punta sa ibang lugar para makapag celebrate ng holidays.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Marami sa atin ang humihiling na makapunta sa ibang bansa para sa ganitong mga panahon, at tayong mga Pinoy ay gustong maranasan ang klima sa ibang bansa, kahit pa nga malamig na dito sa ganitong mga buwan ay nag iisip pa rin tayong makarating sa mas malalamig pang lugar lalo na sa mga kanluraning bansa dahil na din sa iba’t ibang season na dala ng mga bansa roon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


White Christmas ang pasko ng pamilya na sila Erwan Heusaff at Anne Curtis Heusaff na makikita sa isa nitong post sa Instagram. Kasama nga nila ang kanilang anak na ngayon ay nakakapag lakad na na si Dahlia.

Tila gustong gusto ng bata ang malamig na klima dahil ngiting ngiti ito sa mga litrato at talagang ini-enjoy nito ang snow. Kamakailan lamang nang ipanganak ito noong March 2020 at ngayon ay kitang kita na ang resemble nya sa kanyang mga magulang na hindi makakaila na talagang parehong maganda at pogi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Ilan sa mga nag komento ay talagang pinakikita na marami na ngang fans si Dahlia, “Bebé #dahliaamelieee loves the snow! Enjoy and don’t catch cold ok” sabi ng isa mga netizen.




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa larawan ay mararamdaman mong nag e-enjoy ang pamilya kahit pa malamig sa lugar kung nasaan sila, napaka genuine ng kanilang mga ngiti na tila tumatawa habang kinukuha ang litrato, si Dahlia ay buhat buhat ng kanyang mommy na nakangiting nakatingin sa kanya.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Nakasuot sila nang sweater o jacket na talaga namang sobrang makapal. Navy blue ang kay Daddy Erwan, black naman ang kay Mommy Anne at pink naman ang kay baby Dahlia.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sila Erwan at Anne ay ikinasal noong 2017 sa bansang New Zealand . May dalawang taon ang agwat ng edad ng dalawa. Si Erwan ay isang Youtuber na karaniwang ipini-feature ang kanyang galing sa pagluto ng iba’t ibang putahe na may iba’t iba ding twist. Si Anne Curtis naman ay isang aktres, model, at TV Host na talagang nakilala rin sa kanyang galing bilang artista sa iba’t iba nitong proyekto.

The post Anne Curtis, ipinasilip ang napakalamig at masayang bakasyon kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments