Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, lumipad patungong ibang bansa upang bisitahin ang anak na si Andres kasabay ng pagdiriwang ng kapaskuhan

Napakasarap at napakasaya naman talaga sa pakiramdam na maipagdiwang ang araw ng kapaskuhan kasama ang ating mga mahal sa buhay.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

At ang espesyal na araw nga na ito, ay sinasamantala ng bawat pamilya upang sama-sama na maipagdiwang at magkaroon ng masayang ala-ala bago ang pagtatapos ng taon.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Kaya naman sa araw ng kapaskuhan, ang celebrity couple na sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach ay lumipad patungong United States, upang makasama at makapiling ang isa sa kanilang kambal na anak na si Andres.

Matatandaang lumipad patungong Spain si Andres upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa ikalawang taon nito sa kolehiyo, samantalang ang kanyang kakambal na si Atasha ay abala rin sa pag-aaral nito na siya namang kasalukuyang nasa U.K.




Credit: @itsmecharleneg on Instagram

At dahil hindi makukumpleto ang pasko ng mag-asawa na hindi nakakasama ang kanilang mga anak, kaya naman sina Charlene at Aga ay nakipagkita kay Andres sa U.S. upang sabay na maipagdiwang ang araw ng pasko.

Sa Instagram post ni Charlene nito lamang December 27, ay makikitang nagkaroon sila ng masayang family dinner sa Picasso, na isang two-star Michelin restaurant na matatagpuan sa Las Vegas, Nevada.


Hindi man nakasama ang kanilang anak na si Atasha, ay hindi naman nakakalimutan ng mag-asawa na isama at ipahayag pa rin rito ang kanilang labis na pagka-miss sa kanilang anak.

Aniya, “Christmas date with my boys… @agamuhlach317 & Andres, @aagupy missing you @atashamuhlach_ “
Samantala, sa isang post naman ni Charlene ay nagbahagi ng isang nakakaantig at taos pusong mensahe sa kanyang anak na si Andres.


Kalakip ang kanilang litrato na magkayakap ay ang kanyang mensahe na, “You get taller and taller everytime I see you.. I’m a happy mommy to be able to spend Christmas with you Andres..”

Mensahe naman sa kanyang anak na si Atasha, @aagupy Missing you @atashamuhlach_.. wish you were here.. See you after the New Year.. love you both dearly @agamuhlach317”


Bago pa man mangyari ang masayang pagtatagpo ng mag-asawa sa kanilang anak na si Andres, ay tila nagkaroon muna ng masayang bonding time ang celebrity couple, nang sila ay magkasamang nanuod ng basketball game sa Staples Center sa Los Angeles, California.

The post Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, lumipad patungong ibang bansa upang bisitahin ang anak na si Andres kasabay ng pagdiriwang ng kapaskuhan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments