Luis Manzano at Jessy Mendiola, ipinasilip ang kanilang maganda at malawak na classic rental house

Pangarap ng bawat isa sa atin ay ang makapagpundar ng isang maganda at maayos na bahay kung saan tayo bubuo ng isang masayang alaala kasama ang ating bubuuing pamilya.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

At sa pagtupad ng pangarap na ito, ay kaakibat nito ang pagsusumikap at pagtitiyaga upang ating masabi na ang lahat ng ito ay “worth it” na siyang bunga ng ating dugo at pawis na inilaan upang ito ay makamtan.

Labis nga ang kaligayahang nadarama ngayon ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano, matapos nilang ibahagi sa kanilang latest vlog ang munting pasilip sa kanilang rental home.




Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Ang rental home na ito Nina Jessy at Luis ay pansamantala lamang habang kasalukuyan pang pinapa-renovate ang kanilang dream house.

Ani ni Jessy, “As you can see, nasa front door kami ngayon ng aming rental home, kasi ang aming bahay talaga, ang aming dream house [ay] pinapa-renovate pa namin.”


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa loob ng kanilang tahanan, ay kamangha-mangha na ang disenyo at kulay nito, magmula pa lamang sa kanilang foyer at hagdan na magtutungo naman sayo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sunod na ipinakita ng celebrity couple ang kanilang powder room at living area, na kung saan ay dito naman makikita ang kanilang white L-shaped sofa at isang flat TV screen para sa mga gustong manood at mag-relax.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Bahagi rin ng kanilang malawak na tahanan ay ang mga makukulay at napakagandang masterpiece painting, na gawa mismo ng mga mahuhusay na artists tulad ng lamang nina Elmer Borlongan, Geraldine Javier, at Ramon Orlina na siyang paboritong artist ni Luis pagdating sa paggawa ng mga sculpture.

Sunod naman nilang ipinasilip ay ang kanilang dining area at kitchen.

Pagdating naman sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan, ay dito naman bubungad sayo ang isa pa nilang living room na siyang perfect para naman sa mga gustong mag-chill at makipagkwentuhan sa barkada.


Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Makikita rin dito ang kanilang 4 na kwarto, na isang master’s bedroom, guest room, “Cloffice” (Closet & Office) ni Jessy at ang isa pang kwarto na kanilang ginawang storage room.

Ang munting tahanan na ito nina Jessy at Luis ay inayos at dinisenyo mismo ng kapatid ng aktres na si Megan.




Credit: Jessy Mendiola Youtube Channel

Kwento niya, “Hindi namin ma-imagine nung una yung bahay na ‘to kung paano i-style, pero ang galing kasi na-incorporate niya [Megan] yung mga luma naming gamit, sa bahay na ‘to.”

The post Luis Manzano at Jessy Mendiola, ipinasilip ang kanilang maganda at malawak na classic rental house appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments