Chesca Garcia at Doug Kramer, ipinakita ang napakaganda at bonggang transformation ng kanilang newly renovated na condo home

Kung mayroong relationship and friendship goals, tila ba may house goals na rin pagdating sa mga celebrities na kaliwa’t kanan ang kanilang pagpapasilip ng kanilang mga naggagandahang tirahan, na siyang bunga ng kanilang kasipagan at determinasyon sa trabaho.


Credit: @chekakramer on Instagram

Marami nga sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay, kaya naman ang pagsasakr!pisyo mula sa ating mga hilig at pangangailangan, ang siyang labis na pinag-iisipan upang makamit ang pangarap na tahanan.

Ganyan nga mailalarawan ang celebrity couple na sina Chesca Garcia at Doug Kramer, matapos maging viral noon ang kanilang mala mansyong tahanan sa Antipolo, Rizal.




Credit: @chekakramer on Instagram

At ngayon nga ay isa na namang panibagong biyaya ang dumating sa kanilang pamilya, dahil ang Team Kramer ay masayang ipinasilip sa kanilang social media account ang kanilang itinuturing na “home away from home”. At ito nga ang kanilang ikalawang tahanan, ang bagong renovated nilang condo home.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Sa mga litratong ibinahagi ni Chesca sa kanyang IG account, ay makikita ang kanilang napakagandang condo unit, na kung saan ay mapapansing tila kaparehas din nito ang disenyo at kulay ng kanilang mala mansyong tahanan sa Antipolo.


Credit: @dougkramer on Instagram

Sino ang mag-aakala na magmula sa isang white paled-colored walls na itsura lang noon ng kanilang condo, ay ngayon isa ng kamangha-manghang bahay na labis na ikinatuwa ng kanilang pamilya, lalong-lalo na ang 3 anak ng celebrity couple na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


Pagbabahagi ng aktres, “Their faces were priceless! My girls couldn’t contain their excitement upon seeing their new home. They lost it when they saw their own rooms! They shrieked, jumped for joy, and rolled on their beds.They’ve always wanted to have their own rooms! Dream come true for them! On the other hand, my little boy was happy either or. Doug and I are still over the moon and thankful that we have arrived at this moment.”


Credit: @chekakramer on Instagram

Pitong taon na ang nakakalipas simula ng mag-invest sina Doug at Chesca sa kanilang 2nd home ngayon, na siyang kwento pa nilang dalawa ay halos umabot rin sa isang taon pa ang pagre-renovate dito dahil sa mga “unforseen circumstances”.


Credit: @chekakramer on Instagram

Dagdag pa ni Chesca, “Just last week we were able to take our kids to a place we invested on 7 years ago. It took us a year to complete renovations! It was quite a challenge to get work done because of unforseen circumstances.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Ngunit tulad nga ng kasabihang ibinahagi ni Cheska, ay worth the wait nga naman ang lahat ng ito, dahil sa kabila ng ilang taon ay sinong mag-aakala na ganito kaganda at kalawak ang kakalabasan ng kanilang magiging ikalawang tirahan ngayon ng kanilang pamilya.




Credit: @dougkramer on Instagram

“But, I guess as the saying goes, “good things are worth the wait.” I concur! After 7 long years we finally got to take our kids to their 2nd home.” ani pa ng aktres.

The post Chesca Garcia at Doug Kramer, ipinakita ang napakaganda at bonggang transformation ng kanilang newly renovated na condo home appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments