Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto, ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Tali sa isang napakasayang birthday party

Iba-iba mang rason at dahilan ang ginugunita ng karamihan sa atin sa tuwing papasok ang buwan ng Nobyembre, tila para sa celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto ang buwan ngayon ay isang “Sweet November” para sa kanya.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ang November nga ay hindi lamang buwan ng kanyang kapanganakan, dahil ito rin ang siyang buwan na kung saan ipagdiriwang ni Pauleen ang kanilang 10th year anniversary ng kanyang asawa na si Bossing Vic Sotto at kasabay rin nito ang kaarawan ng kanilang anak na si Tali.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Tunay ngang napaka espesyal ng buwan na ito para sa aktres dahil bago pa man magtapos ang taong 2021, ay kanyang maigugunita ang mahalagang kaganapan na ito sa kanilang buhay kasama ang kanyang asawa at kanilang anak.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At dahil nauna na ang kaarawan ni Tali ay isang masayang home birthday celebration ang ginawa nina Pauleen at Vic, na kung saan ay makikita sa mga larawang ibinahagi nito sa social media ang ilan sa mga cute at adorable photos sa naganap na selebrasyon.


“It’s a success” ganiyan nga mailalarawan ang birthday ni Tali na kung saan ito ay mas lalong naging masaya at makulay, dahil sa kabila man ng pag-iingat ng bawat isa mula sa v!rus ay nagawa pa rin mai-celebrate ni Tali ang kanyang kaarawan kasama pa ang 2 sa kanyang mga kaibigan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Magmula sa kanyang makulay na rainbow balloon set-up, isama pa ang ilan sa mga kid’s activities na labis nilang na-enjoy, ay hindi rin matatawaran ang saya at ligaya na hatid ni Tali nang sinimulan ng buksan ang kanyang number 4-shaped birthday box na naglalaman ng iba’t-ibang candies.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

At imbis nga na makikuha mula sa mga nahulog na candy sa sahig, ay makikita ang napakacute na si Tali na masayang pinagmamasdan ang mga kaibigan habang nag-eenjoy ang mga ito sa pagkuha.

Tila ba ang birthday girl ay hindi lamang nais na maging masaya sa kanyang kaarawan kung hindi ay makita rin na nag-eenjoy ang kanyang mga kaibigan ay sapat na para sa kanya upang maipagdiwang ang kanyang napakasayang birthday celebration.


Samantala, ang kanyang Mommy Pauleen naman ay nagbahagi ng isang taos puso at puno ng pagmamahal na mensahe, para sa kaarawan ng kanyang unica hija.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Aniya, “My sweet little girl! Happy 4th birthday to you i know i gave birth to you but you definitely gave life to me! Thank you for pushing me to be the best version of myself and for allowing me to live my dream which is to become a mom! You will ALWAYS be my best success that’s why i pray for you to have a kind, compassionate, loyal heart.”

The post Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto, ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Tali sa isang napakasayang birthday party appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments