Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, nagmistulang little version ng Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz

Napuno na naman ng ngiti at tuwa ang puso ng publiko matapos maghatid ng good vibes si Baby Dahlia sa mga netizens dahil sa ibinida nitong Halloween costume.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Hindi napigilan ng mga netizens na matuwa at panggigilan si Baby Dahlia sa taglay nitong kakyutan, nang kanilang masilayan ang costume ng anak ng aktres na si Anne Curtis sa asawang vlogger-chef na si Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie na kung saan siya ay nagmistulang si Hidilyn Diaz sa naging kasuotan.




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Si Hidilyn Diaz ay ang Philippines’ first ever Olympic gold medalist, na kung saan ay nagwagi ng gintong medalya sa Tokyo Olympics sa larangan ng Weightlifting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Sa litratong ibinahagi ni Anne Curtis sa kanyang IG account na may caption na, “Our Gold Medallist!!! @hidilyndiaz inspiring the youth that with hard work and perseverance you can achieve your biggest/heaviest dreams,” ay makikita ang naging kasuotan ni Baby Dahlia na suot ang kulay asul na uniporme, na may nakalagay na watawat ng bansa sa bahagi ng kanyang d!bdib.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Maliban pa diyan ay hindi makukumpleto ang kanyang naturang costume kung wala ang prop na barbell. Kaya naman gamit ang mga natirang paper plates tuwing handaan, ay naisipan nina Anne at Erwan na ito ang gamitin para sa barbell na gagamitin ni Baby Dahlia.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Bukod sa litratong ito ni Baby Dahlia, ay nagbahagi rin ng isang video clip si Erwan sa kanyang IG account na kung saan ay makikita ang pagpapakitang gilas ng kanilang anak sa pagbubuhat ng barbell.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


Dahil diyan ay marami sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang komento at pinuri ang taglay na kakyutan ni Baby Dahlia. At isa na nga sa mga nagbigay ng komento ay mismong si Hidilyn at sinabi, “Ang cute 😍😍😍




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Maliban sa kanya ay narito rin ang ilan sa mga celebrities na nagbigay ng kanilang mga komento tulad na lamang nina Isabelle Daza, Maxene Magalona, Sarah Lahbati, Iza Calzado, Rachel Peters, Vhong Navarro, at marami pang iba.

The post Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, nagmistulang little version ng Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments