Coleen Garcia at Billy Crawford, ipinasilip ang kanilang na naging Halloween Costumes kasama ang kanilang napakacute na anak na si Amari

Bahagi na ng mga nakagawiang pagdiriwang ng mga Pilipino ay ang unang araw ng pagsapit ng buwan ng Nobyembre na kung saan ay ating ipinagdiriwang ang Halloween celebration.


Credit: @coleen on Instagram

Sa okasyon na ito ay kinakailangan ang malawakang imahinasyon, upang maisakatuparan ang magandang karakter na siyang iyong gagamitin na costume sa naturang pagdiriwang na ito.

Kaya naman sa kabila ng pag-iingat mula sa kumakalat na v!rus, ay masaya pa ring ipinagdiwang ng mga kilalang personalidad sa showbiz ang Halloween ngayong taon.


Credit: @coleen on Instagram

Ang bawat celebrities ay talagang nagpatalbugan pagdating sa kani-kanilang costumes na siyang proud nilang ibinahagi sa kanilang mga social media accounts.

Kung ang ilan nga ay nagbihis base sa paborito nilang karakter sa mga movies, ay may ilan rin naman sa kanila na naging superhero rin.




Credit: @coleen on Instagram

Ngunit ating ibahin ang The Crawfords family na kinabibilangan ng singer at TV host na si Billy Crawford, kasama ang kanyang asawang aktres na si Coleen Garcia at ang kanilang napaka-cute na panganay na si Baby Amari.


Credit: @coleen on Instagram

Bilang pagdiriwang ngayong Halloween, ay naisipan ng kanilang pamilya na magbihis bilang mga karakter sa Japanese anime TV series na “Pokemon”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Makikita sa mga litratong ibinahagi ng aktres na si Coleen ang kanilang napaka-cute na family costumes, na kung saan ay nagbihis bilang si Ash si Billy, Misty bilang si Coleen, Snorlax bilang si Baby Amari at nakasama rin dito si Joy na nagbihis bilang si Nurse Joy at kapatid ng aktres na si Luis Garcia na siyang ginaya naman ay si Charmander.


Credit: @coleen on Instagram

Bukod pa diyan ay makikita rin na nakisali sa Halloween celebration ang alagang aso nina Coleen at Billy na si Tamomo, ay nagbihis rin bilang si Pikachu.


Credit: @coleen on Instagram

Dahil sa kanilang napaka-cute na family costume, ay marami naman sa mga netizens ang naaliw at nagbigay ng papuri sa kanilang mga litrato.

“Ay family goals talaga 😍😍😍❤❤❤❤




Credit: @coleen on Instagram

“Loving the Pokemon theme.😍 Cute Snorlax.😍😍😍

“Si tamomo talaga ang best in costume😍😍

“Adorable family😍😍😍

The post Coleen Garcia at Billy Crawford, ipinasilip ang kanilang na naging Halloween Costumes kasama ang kanilang napakacute na anak na si Amari appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments