LJ Reyes, ibinahagi ang masayang family photosh0ot sa America kasama ang kanyang mga anak

Mahigit isang buwan na nga ang nakakalipas simula ng maging kontrobersyal ang hiwalayan ng dating magkasintahan na sina LJ Reyes at Paolo Contis.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Sa loob ng halos anim na taong pagsasama nina LJ at Paolo ay nauwi nga ang kanilang pagmamahalan sa hiwalayan.

Marami man ang nalungkot at lumabas na iba’t-ibang istorya patungkol sa balitang ito, ay nanatili pa ring matatag ang aktres na si LJ at hinarap ang pagsubok na ito kasama ang kanyang 2 anak na sina Aki at Summer.




Credit: @lj_reyes on Instagram

Matatandaan na matapos ang kanilang hiwalayan, ay napabalita rin ang paglipad ng aktres kasama ang kanyang mga anak upang magsimula ng bagong buhay at makalayo mula sa mga pangyayaring ito.

Sa kabila nito, ang celebrity mom ay unti-unti na ngang bumabangon hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin kina Summer at Aki.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Sa katunayan pa nga, ay tila ang dalawang chikiting ang siyang kanyang naging kalakasan at pinanghugutan ng katapangan bukod sa kanyang pananampalataya.

Kaya ngayon kahit patuloy pa rin ang kanyang pagmo-move on mula sa lahat ng mga nangyari ay sinisigurado pa rin ni LJ, na ang kanyang mga anak ang kanyang top priority ngayon.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Magmula sa kanyang mga ibinabahaging OOTD at litrato sa social media, hindi maitatangging kahit nasaktan man, ang kanyang kagandahan pa rin ay talagang lumalaban sa awrahan, kaya ang mga netizens ay hindi mapigilang mapa sabi na, “Ito nga pala si LJ Reyes, yung sinayang mo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


Bukod sa kanyang mga litrato, ay makikita rin ang masayang family photosh0ot nina LJ kasama ang kanyang 2 mga anak, na kung saan kuha ito mismo sa kanilang family restaurant sa Brooklyn New York ang ‘The Buren’.


Credit: @lj_reyes on Instagram

Sa litrato ay talaga namang makikita ang pagiging malapit ng mag-iina sa isa’t-isa, na siyang patunay lamang na sa kabila ng mga nangyari ay mananatili pa rin sa kanyang tabi sina Summer at Aki.

Samantala, sa naging panayam ni LJ kay Tito Boy ay sinagot ng aktres ang mga katanungan ng mga Netizens kung may plano pa nga ba siyang bumalik ng Pilipinas o maninirahan na sa New York kasama ang kanyang pamilya.




Credit: @lj_reyes on Instagram

Ito ay sinagot ni LJ at sinabing, “I’m thinking life one day at a time. Ang hirap po magsalita na hindi, dito na lang ako [sa New York], or oo babalik ako [sa Pilipinas], or oo pagbalik ko I will be back in showbizness. Hindi ko po alam what’s gonna happen.”

The post LJ Reyes, ibinahagi ang masayang family photosh0ot sa America kasama ang kanyang mga anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments