Joross Gamboa, masayang ipinasilip sa ang kanilang ipinatayong napakaganda at malawak na beach house sa Quezon

Ipinasilip na sa unang pagkakataon ng aktor na si Joross Gamboa ang isang napakagandang beach house na pag-aari mismo nila ng kanyang pamilya.


Credit: @joross_gamboa on Instagram

Ang family beach house nga ito ay mamatagpuan sa Costa Sariya, Sariaya sa Quezon Province.

Matatandaang noong ika-23 ng Abril ay ibinahagi ni Joross na sila nga ay magpapatayo ng kanyang pamilya ng isang beachfront property sa Quezon. Kaya matapos ang ilang buwan ay natapos na nga ito at kanya ng ipinasilip sa publiko ang property na kanila mismong pagmamay-ari.


Credit: @joross_gamboa on Instagram

Mula sa mga litratong ibinahagi ni Joross sa kanyang Instagram account ay makikita ang itsura ng labas at loob ng kanilang napakalawak at napakagandang beach house.

Magmula pa lamang sa labas nito, ay matatagpuan na ang isang swimming pool at magmula nga rito ay matatanaw rin agad ang ganda at napakalawak na karagatan.




Credit: @joross_gamboa on Instagram

Maliban pa diyan ay makikita rin na sila ay nagpalagay ng sementadong lote sa labas nito, na siyang kanilang ginawa bilang basketball court para sa mga kalalakihan o kababaihang naghahanap ng ibang activities.

Pagdating naman sa loob ng kanilang beach house, ay bubungad na sayo ang isang eleganteng view magmula pa lamang sa kulay nito at mga kagamitan tulad ng sofa at mga magagandang ilaw, kasama pa ang ilang magagarang palamuti na syang makikita mula rito.


Credit: @joross_gamboa on Instagram

Bukod pa diyan ay masisilayan rin ang isang larawan na kung saan ay mapapansin ang mala condo type na itsura ng kanilang kusina at dining area, na nagpadagdag ng kakaibang class at elegant vibes sa kanilang beach house.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


Kalakip ang mga litratong ito ay ang buong pasasalamat ni Joross sa kanyang buong pamilya na makikita sa caption na iniligay nito at sinabing, “Gamboa’s Family Beach Home” Thank You Lord sa blessing na eto! All Glory to God! Sa lahat ng bumubuo neto SHARARAWT sa inyo! Family of Gamboa-Sanchez, Alba-Gamboa, Gamboa-Saga, Gamboa-Escusa, Gamboa-Rapiz”


Credit: @joross_gamboa on Instagram

Matapos nito ay nangako rin ang aktor sa kanyang mga tagahanga na siya ay maglalabas ng isang vlog sa kanilang YT channel na ‘The Gamboa Channel’ patungkol sa munting pasilip sa kanilang beach house.




Credit: @joross_gamboa on Instagram

Dahil sa biyayang dumating na ito sa kanilang pamilya ay ganoon na lamang ang naging pagbati ng ilang mga netizens at nagbigay ng kanilang komento sa larawan na ibinahagi ng aktor.


Credit: @joross_gamboa on Instagram

“ONGGONDO! Pa-house tour ka naman. 🙏😍🤩

“Wow! Super Ganda naman❤❤❤

The post Joross Gamboa, masayang ipinasilip sa ang kanilang ipinatayong napakaganda at malawak na beach house sa Quezon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments