Buboy Villar, nagkunwaring taong grasa para sa isang nakakatawang prank kay Jelai Andres

Isang nakakatawa at exciting prank ang masasaksihan na ginawa ng isang Kapuso actor at isa rin sa mga hinangaan mula sa kaniyang husay sa pag-arte, at ito nga ay walang iba kung hindi si Buboy Villar.



Credit: Buboy Villar Youtube

Sa kabila ng katanyagan sa showbiz industry, pinasok na rin ni Buboy ang pagiging isang YouTube vlogger.

Kaya naman mula sa dami ng mga sumusuporta at kaniyang napapasaya sa mga videos nito, hindi na kataka-taka na mayroon na ding isang milyong subscribers ang aktor sa kaniyang YouTube channel.

Credit: Buboy Villar Youtube

Ayon kay Buboy, isa umano sa mga nagpursige at nanghikayat sa kaniya na gawin ang pagba-vlog ay ang kaibigan at kasama rin niya sa industriya na isa ring sikat na YouTube vlogger ngayon na si Jelai Andres.

Kaya naman upang pasalamatan si Jelai sa kabutihan na ipinakita nito kay Buboy, naisipan ng aktor na mas gawing exciting ang kaniyang pasasalamat sa pamamagitan ng isang prank.

Credit: Buboy Villar Youtube

Para maisagawa ang kaniyang planong prank, tinulungan siya ng kaniyang kapatid at mga kaibigan na sina Joel at Divine sa pagpapanggap nito bilang isang taong grasa, ng sa ganon ay hindi sya makilala ni Jelai.



Credit: Buboy Villar Youtube

Pagdating ni Jelai sa kanilang meet-up place kasama ang kanilang mga kaibigan, sinimulan na ni Buboy ang kaniyang planong prank para sa kaibigan.

Upang lubos na mapaniwala si Jelai sa pagpapanggap ng aktor, gumawa ng kuwento ang kaibigan nila na si Joel at sinabing matagal na umano itong pagala-gala sa kanilang lugar.

Credit: Buboy Villar Youtube

Mula sa video, makikita naman na tila`y tak0t na tak0t ang itsura ni Jelai, habang pinipilit si Joel na huwag buksan ang bintana ng kanilang kotse na sinasakyan.

Sa kabila man ng takot na nararamdaman, hindi naman maitatago ang pagkabusilak ng kalooban ni Jelai at naisipang bigyan ng pagkain at pera ang nagpapanggap na si Buboy.

Credit: Buboy Villar Youtube

At nang makita ni Buboy na may mga kawani ng barangay ang balak umanong kunin siya, doon na naisipan ng aktor na ipakilala ang kaniyang sarili kay Jelai at sabihin na prank lamang ang lahat.



Credit: Buboy Villar Youtube

Sa pagtatapos ng kaniyang video, pinasalamatan ni Buboy si Jelai sa naging tulong nito sa kaniyang vlogging career.

The post Buboy Villar, nagkunwaring taong grasa para sa isang nakakatawang prank kay Jelai Andres appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments