Alex Gonzaga, ipinasilip ang mga panibagong kaganapan sa kanyang buhay pati na rin sa kanilang ipinapatayong bagong bahay

Dumaan man sa kalungkutan at matinding pagsubok ang vlogger-actress at TV host na si Alex Gonzaga, hindi naman rito natatapos ang kanyang pagbibigay ng saya at tuwa sa publiko lalong-lalo na sa kanyang mga ‘Netizens’.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Dahil matapos ngang ibahagi ni Alex ang kanilang pinagdaanan ng kanyang asawa na si Mikee Morada sa kanilang 1st pregnancy, ay bumuhos agad ang suporta hindi lamang ang kanilang mga tagahanga kung hindi pati na rin ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz na nagpahayag ng kanilang emosyon at suporta para sa mag-asawa.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ganunpaman, life must go on pa rin para kay Alex, dahil matapos nga niyang ibahagi sa publiko ang nakakalungk0t na istorya sa kanyang pagbubuntis, ay isa na namang video ang kanyang ibinahagi na kung saan ay umani ng katatawanan mula sa mga netizens.

Ang video nga na ito ay update sa buhay ngayon ni Alex at ang munting pasilip sa bahay na kanilang ipinapatayo ni Mikee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Makikitang isinama ng aktres ang kanyang mga viewers sa inihanda nilang groundbreaking service para sa pagsisimula ng construction ng kanilang magiging tahanan.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel



Kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at ang matalik na kaibigan ni Alex na si Fifth Solomon, ay imbitado at naki-join sa espesyal na seremonyang ito ng kanilang buhay.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Matapos ang naturang ceremony, ay naisipan rin ni Alex na magpa-ear piercing bilang simula ng “new beginning” sa kanyang buhay ngayon sa kabila ng mga pinagdaanan.

Aniya, “In life you really have to try new things para may mabago sa inyo or para yung mga dati nyong memories madagdagan, or may bago kayo maiku-kwento sa buhay. ‘Yun yung natutunan namin.”


Credit: @cathygonzaga on Instagram

Tunay ngang sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy pa ring nagpapaka positibo si Alex, at sa tulong ng kanyang asawang si Mikee at kanilang malalim na pananampalataya, ay naniniwala siya na malalagpasan rin nila ang ganitong klaseng pangyayari sa kanilang buhay mag-asawa.

Dagdag pa niya, “If it’s meant that the Lord will bless you with a new life, it will happen. You just really have to leave it all up to the Lord. ‘Yun ang nagpatibay sa’min ni Mikee, ‘yun ang nagpalakas sa’min kaya ngayon, we get to share (our story)… ‘Dun ko rin na-realize that we have to be strong for each other.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa kabila nito, marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento at natuwa matapos masilayan si Alex na nagagawa ng ngumiti ngayon.

“I’m happy to see your genuine smile. God bless you, Alex!”

“I love seeing you smiling Alex 🤎 Be happy always! 💙

The post Alex Gonzaga, ipinasilip ang mga panibagong kaganapan sa kanyang buhay pati na rin sa kanilang ipinapatayong bagong bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments