Sample King Jhong Hilario, masayang binati ang kanyang anak na si baby Sarina sa kanyang ika-7th month celebration sa pamamagitan ng pagkanta

Ang pagiging magulang ay isa na marahil sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo. Sa kabila ng mga takot at pangambang hatid nito sa iyong pakiramdam, ay sino ang mag-aakala na ganito pala ang kapalit na saya at ligaya kapag ikaw ay nagkaroon ng sariling pamilya.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Maaaring tuwing kinagabihan ay puyat ang siyang iyong kalaban, isama pa ang mga araw na ikaw ay pagod sa buong maghapon, ay tila masasabi mo pa ring “worth it” parin ang lahat, lalo na kung ang kapalit ng mga ito ay ang simpleng ngiti at yakap na ibinibigay ng mga anak sa kanilang mga magulang.

Tunay ngang sila ay isang napakalaking biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa, na siyang natatanging dahilan upang mapawi ang iyong pagod sa bawat araw na lumilipas.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Kahit nga ang TV host, sikat na dancer, mahusay na aktor, at pulitiko na si Sample King Jhong Hilario ay sobra na ring naging hands-on sa kanilang unica hija ng kanyang longtime girlfriend na si Maia Azores na si Baby Sarina.

Simula ng isilang ni Maia ang kanilang anak noong March 27, 2021, ay binansagan na rin si Baby Sarina bilang ‘Sample Princess’ hindi lamang ng kanyang Mama at Papa, kundi pati na rin ng kanilang mga tagahanga.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Sa katunayan sa bawat buwang lumilipas ay talaga namang makikita ang taglay na kakyutan ng kanilang anak, na madalas ding makikita sa mga ibinabahaging larawan at videos ni Jhong sa kanyang social media account.

Kaya sa bilis ng panahon, sino ang mag-aakala na ang napaka-cute na si Baby Sarina ay nagdiwang na ng kanyang ika-7 na buwang kaarawan noong October 27.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Sa video na ibinahagi ng Sample King, ay makikitang nakahiga ang kanilang anak sa kama at sabay nila itong kinantahan ng “Happy birthday” song.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Kalakip ng kanyang video ay ang inilagay na caption ni Jhong na, “Happy 7 months My Princess @sarinahilario! Mommy and Daddy loves you so much. #Sarina7months #SamplePrincess”

Talaga nga naman ang kanyang kakyutan ay napakasarap panggigilan, kaya hindi maitatangging marami sa mga netizens ang tutok sa kanilang mga upcoming posts sa social media.

The post Sample King Jhong Hilario, masayang binati ang kanyang anak na si baby Sarina sa kanyang ika-7th month celebration sa pamamagitan ng pagkanta appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments