Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, masayang ibinalita sa publiko na sila ay engaged at magkaka-baby na

Isa na namang maganda at nakakagulat na balita ang bumungad muli ngayon sa publiko at online world, matapos i-anunsyo ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang isang napakagandang balita na sila nga ay ikakasal na.


Credit: @mercadojenny on Instagram

Ang magandang balita na ito ay kanilang inanunsyo sa news broadcasting show na 24 Oras, na kung saan ay makikita ang magkasintahan na magkahawak kamay at matamis ang ngiti sa isa’t-isa na ibinalita sa publiko ang kanilang planong pagpapakasal.

At nang tanungin nga kung paano naganap ang kanilang proposal, ay sinagot ito ni Dennis na siyang isang “simple but heartfelt proposal” nga ang kanyang ginawa matapos alukin ng kasal ang kasintahan.




Credit: @mercadojenny on Instagram

Pagbabahagi ng aktor, “Syempre gusto ko hindi masyado magarbo, sa panahon ngayon dapat maging praktikal. Ginawa ko yung pinakasimple pero at the same time heartfelt talaga.”

Tila ang proposal nga na ito ni Dennis ay hindi inaasahan ng aktres, na ayon pa sa kanya ay wala siyang ka-alam-alam na may inihanda na pa lang proposal ang kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)


Kwento ni Jennylyn, “Wala akong ka-idea-idea kasi dahil nga hindi ako masyadong bumababa ng bahay, pero nung time na ‘yun sinabi sa’kin ni Dennis na kailangan ko daw bumaba, dahil may isho-shoot daw kami.”

“nagkaroon ako ng kutob nung nagsimula siyang mag salita, kasi parang seryoso niya ko kinakausap, tapos lumuhod, tapos nagulat na ko kasi bumukas yung pinto,” dagdag pa niya.


Credit: @mercadojenny on Instagram

Ngunit tila hindi lamang diyan natatapos ang big announcement na hatid ng dalawa sa publiko, dahil sa kanilang naturang interview ay kanilang ibinalita na sila ay magkaka-baby na.

Ayon kay Dennis, “Well, ang proposal dito lang sa bahay dahil maraming mga factors na naging dahilan kung bakit dito na lang ginawa. Dahil unang-una mahirap lumabas, tapos sa kondisyon ni Jen ngayon hindi siya masyadong makalabas ng bahay, dahil mayroon siyang pinagdadaanan ngayon medyo maselan eh.”




Credit: Jennylyn Mercado Youtube Channel

Ika-9th weeks na nga ni Jennylyn sa kanyang pagbubuntis ngayon sa kanilang anak ng aktor, at ng ibahagi kung paano niya ito nalaman na siya ay magiging mommy na ulit ay agad namang sinabi na siya ay nagkaroon ng kakaibang pakiramdam.

“Ang timing niya ay nasa taping ako, so ito ay nangyari 2 months ago. Dun ko na feel na parang medyo iba ‘ko eh, medyo emosyonal ako, iba yung pakiramdam ko.”

Tunay ngang sa tamang oras at panahon ay mangyayari rin ang matagal na pangarap ng lahat ang ikasal at mabiyayaan ng supling, na siyang nangyari na ngayon sa celebrity couple.

“Sa tamang oras, sa tamang pagkakataon na ready ka na siguro, tsaka siya ibibigay talaga.” Ani ni Jennylyn.

The post Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, masayang ibinalita sa publiko na sila ay engaged at magkaka-baby na appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments