Pokwang, hindi inatrasan ang hamon na “Try Not To Laugh Challenge” kasama ang kanyang mga kasambahay

Patok na patok ngayon sa social media ang mga challenge na napapanood sa online video sharing app tulad na lamang ang mga YouTube at Tiktok. Karamihan sa mga nauusong challenge na ito ay may kasama pang sayawan at kantahan, na talaga namang kahit na sino ay mapapangiti sa hatid nitong good vibes para sa mga manonood.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

At dahil diyan hindi lamang mga netizens ang nakisaya at nakiuso sa mga challenge na ito, kundi pati na rin si Mamang o mas kilala sa kanyang pangalan na si Pokwang na isang komedyante, celebrity mom, at TV host ay kumasa din sa hamon na ito.

Sa katunayan, ay isang video ang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account, na kung saan ay makikitang nakasama niya rito ang ilan sa kanilang mga helpers sa bahay, at sama-samang ginawa ang hamon na “try not to laugh challenge”.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Ang challenge na ito ay hindi lamang nauso sa Tiktok, kundi pati na rin sa social media ay naging patok rin ang mga ito sa mga celebrities na nakisaya at nakitawa habang ito ay kanilang ginagawa.

Sa katunayan ang layunin ng challenge na ito ay habang inaawit ng bawat isa ang “bad romance” na kanta ni Lady G@ga, ay dapat kanilang mapigilan ang pagtawa hanggang sa ito ay matapos nilang kantahin.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

At ganyan nga ang ginawa nina Mamang kasama ang kaniyang mga kasambahay, na kung saan ay ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay hindi na agad nila mapigilan ang matawa, nang si Tess na ang sunod na umawit ng bad romance.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Tila ang video nga nila na ito ay napuno ng katatawanan, isama pa ang huling umawit sa kanila na si Gina na imbis na lyrics ng bad romance ang dapat kantahin ay ibang awitin ang kanyang binigkas.

Ayon sa naging caption ni Pokwang, “ganito kami kapag wala ang aming amo haahahaa giatay!!! Hahahahaa ano nangyare sa lyrics mga dai? unsa man?? #trynottolaughchallenge #badromance bakit naging purihin ang lyrics ha Gina? ito namang si Tess Gorilla talaga??”


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Samantala, hindi rin naman napigilan ng mga netizens ang matawa at makisaya sa ginawang challenge na ito ng komedyante kasama ang kanyang mga helpers.

“nakita ko to grabe nmn tawa ko 😅🤣🤣🤣🤣 gorilla & purohin ang bad romance 🤣🤣🤣🤣 tulo sipon ko.”

“hahahahahaha dami kong tawa mang hahahahaha.😂😂😂😂




Credit: @itspokwang27 on Instagram

😂😂dead laugh si akits 😍😍 lav yah mamang.😍

😂😂😂😂 ka enjoy bah ninyo.love u madam pokwang❤

The post Pokwang, hindi inatrasan ang hamon na “Try Not To Laugh Challenge” kasama ang kanyang mga kasambahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments