Paolo Ballesteros, muling ipinasilip sa publiko ang kanyang napakagandang mala Christmas Gift na bahay sa Antipolo

Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, karamihan sa atin ay nag-iisip na ng iba’t-ibang paraan, upang mapaganda at mabigyang liwanag ang disenyo ng ating bahay at kapaligiran.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Kung ang ilan ay nagsisimula ng maglagay ng kanilang dekorasyon sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng pabonggahan ng disenyo ng kanilang mga Christmas tree, ang ilan naman ay naghahanda na rin ng kanilang mga makukulay na palamuti sa labas ng kanilang mga tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)


Isang kahanga-hangang pakulo naman ang ginawa ng komedyante, aktor, TV host at impersonator na si Paolo Ballesteros sa kanyang bahay.

Matatandaan noong nakaraang taon bago pa man sumapit ang kapaskuhan, ang tahanan ni Paolo sa Antipolo ay nagmistulang isang malaking Christmas gift, na agad na naghatid ng saya at good vibes sa kanyang mga kapitbahay lalong-lalo na sa mga taong napapadaan sa kaniyang tahanan.




Credit: @pochoy_29 on Instagram

Kaya naman ngayong taon, ay muli na naman niyang pinahanga ang publiko matapos niya muling pailawin ang kanyang tahanan at ibahagi ang ganda at sayang hatid nito sa publiko.

Tila hindi lamang mga kapitbahay ang napahanga ng TV host, kundi pati na rin ang mga netizens, matapos niyang ipasilip sa kanyang Instagram account ang disenyo ng kanyang bahay ngayon.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Kung sa pagsapit nga ng umaga, masisilayan ang napakagandang bahay ni Paolo na may nakapalibot na kulay pulang laso sa itaas na bahagi nito, at kung pagmamasdan ay aakalain na isa itong malaking regalo.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

At pagsapit naman ng kinagabihan, ay sino ang hindi mamangha sa magandang view na hatid nito magmula pa lamang sa pulang laso, ay kumikinang naman ang mga ilaw na makikita rito tuwing gabi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)


Isama pa ang mga karagdagang ilaw na nakapalibot sa kanyang munting tahanan, na nagbigay ng kakaibang feeling na tila ikaw ay nasa labas ng isang malaking regalo.

Ayon sa inilagay na caption ni Paolo sa kanyang post, “Merry Christmas na sa Antipolo Dabarkads!”

The post Paolo Ballesteros, muling ipinasilip sa publiko ang kanyang napakagandang mala Christmas Gift na bahay sa Antipolo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments