Pauleen Luna, ipinasilip ang kanilang napakasayang bakasyon sa beach kasama ang buong pamilya

Kahit nalalapit na ang kapaskuhan, ngunit ramdam na ramdam pa rin ang init ng nagdaang summer saan mang dako ng bansa ngayon. Kaya naman ang ilang sa atin, lalo na ang mga sikat na celebrity ay ready at excited na upang ibida ang kanilang mga beach OOTD.


Ngunit ang tanong ng nakararami, beach ready na rin ba ang iyong body?

Dahil ang TV host at celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto ay hindi lamang beach ready, kundi binida rin ang kanyang fit at napakagandang pangangatawan sa kanyang mga litratong ibinahagi sa social media.


Tunay ngang napakahalaga ng pagkakaroon ng healthy lifestyle dahil hindi lamang ito nakakatulong upang tumagal ang iyong buhay, kundi nahuhubog rin nito ang iyong katawan para maibalik ang dating hubog nito sa pamamagitan ng balance diet at pag-wowork out.

Tila ganito nga ang naging sikreto ni Pauleen upang ma-achieve ang kanyang magandang pangangatawan ngayon matapos manganak sa kanilang unica hija ni Bossing Vic Sotto na si Tali.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa kaniyang mga larawang ibinahagi sa Instagram account, ay makikitang buong pamilya ni Pauleen ay nagtungo sa isang masayang family beach trip, kasama sina Bossing at Tali at in-enjoy ang munting bakasyon na ito sa kanilang “happy place”.

Talaga nga namang hindi maitatanggi na sa kabila ng kanyang naging pregnancy, ay naibalik pa rin ng TV host ang kanyang magandang pangangatawan kaya naman ang mga netizens ay labis na napa-w0w sa kanyang beach OOTD.


Suot ang kanyang black bikini ay ibinida ni Pauleen sa kanyang IG, ang kanyang larawan na kung saan ay umani ng samu’t-saring papuri mula sa mga netizens.

“Hard work pays off, you look amazing ❤

“Wow, thats self- discipline & determination 🙌❤




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Tunay ngang kapag may tiyaga, may nilaga. Kaya naman maganda talagang simulan ang healthy lifestyle at ibida ang fit and magandang pangangatawan sa beach tulad na lamang ni Pauleen.

The post Pauleen Luna, ipinasilip ang kanilang napakasayang bakasyon sa beach kasama ang buong pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments