Sarah Lahbati, nakatanggap ng bonggang sorpresa na isang bagong sasakyan mula sa kanyang asawa na si Richard Gutierrez

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mapagbigay pagdating sa ating mga kapwa lalo na kung ito ay para sa miyembro ng ating pamilya. Ang maiparamdam sa asawa at mga anak ang ating lubos na pagmamahal at pagpapahalaga para sa kanila, ay higit pa sa kahit na anong halaga at materyal na bagay ang maibibigay nito sa kanila.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kaya naman sa kaarawan ng celebrity mom na si Sarah Lahbati noong October 9, ay marami na agad ang napahanga sa kanyang napakasayang epic birthday adventure, na ang kanyang mismong asawa na si Richard Gutierrez ang nag-organize ng kanilang “unforgettable trip” sa Bulod Campsite sa Tanay, Rizal.

Magmula pa lamang sa kanilang hindi malilimutang adventure na ito kasama ang kanilang 2 anak na sina Zion at Kai, ay talaga namang makikita rin kung gaano kamahal ni Richard ang kanyang asawa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng ganitong klaseng kaganda na birthday trip para sa kanya.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ngunit, tila hindi pa diyan natatapos ang sorpresang handog ng aktor para sa kaarawan ng kanyang asawa, dahil makalipas lamang ang ilang araw ay isang bonggang sorpresa ang ibinigay sa kanya ni Richard.

Marami nga ang napa “wow” sa sorpresa na ito ng aktor, na kung saan ay makikita sa litratong ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram account ang isang brand-new sports utility vehicle (SUV) na niregalo nito para sa kanya.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Sa kanyang napakagandang green Jeep Wrangler, ay sino ba naman ang hindi mapapa “Sarah All” sa bonggang sorpresa na inihanda ng kanyang asawa para sa kanya.

Dahil dito ay na “speechless” ang aktres at hindi inaasahan na makakatanggap ng ganitong sasakyan sa kanyang kaarawan.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ayon pa sa kanyang caption, ay mas gusto niya umanong pagtrabahuhan ang mga bagay na gusto niyang makuha at hindi umano humihingi ng materyal na bagay sa kahit na sino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Ani ni Sarah, hindi lamang best dada si Richard sa kanyang mga anak kundi siya rin ay itinuturing na reyna nito sa mga pagkakataong hindi niya lubos na inaasahan.

Aniya, “Besides being the best dada to Zion & Kai, you make me feel like a queen even when I least expect it.”




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Samantala, pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang asawa, sa napakabonggang regalo na ibinigay nito sa kanyang kaarawan.

“I’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise… but mostly for your unconditional love, through ups and downs. I love you.”

The post Sarah Lahbati, nakatanggap ng bonggang sorpresa na isang bagong sasakyan mula sa kanyang asawa na si Richard Gutierrez appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments