Stunning photos ng Kapuso Actress na si Andrea Torres sa kasal ng kanyang kapatid na si Angeli, inulan ng papuri mula sa mga Netizens

Isa lamang ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa mga kilalang personalidad ngayon sa showbiz na talaga namang hinahangaan at iniidolo ng nakararami. Ito nga ay dahil hindi lamang sa kanyang pisikal na kagandahan, talentong taglay, at husay sa pag-arte, kundi dahil na rin sa kanyang angking kabutihan lalo na pagdating sa kanyang pamilya.


Credit: @andreaetorres on Instagram

Ang pagiging “beautiful with a heart” ni Andrea ang naging daan sa kanya upang mas mahalin pa ng kanyang mga tagahanga, kasama na rin ang kanyang pamilya.

Kaya naman sa espesyal na araw ng kanyang kapatid na si Angeli Eloise, ay makikita ang pagiging emosyonal ni Andrea sa kanyang naging mensahe, para sa naganap na kasalan sa pagitan ng kanyang kapatid at asawa nitong si Rem Paulino.


Credit: @andreaetorres on Instagram

Ika-15 ng Oktubre ngayong taon ay naganap nga ang pag-iisang dibdib ng kanyang kapatid sa asawa nito, at sa larawang kaniyang ibinahagi sa social media, ay makikita ang kanilang litrato na masayang magkasama bago ang naturang kasalan.

Kalakip ng espesyal na araw na ito, ay ang nakakaantig at mala emosyonal na mensahe na ipinaabot ng aktres para sa kanyang kapatid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Aniya, “October 15 will now be as memorable to me as it is to you. I still can’t get over that moment when the doors of the church opened. I keep replaying it in my head. You were the most beautiful bride. I thank the Lord that he granted you the perfect wedding and more than that, the perfect partner. You know how much I love you and Kuya Rem. Congratulations again @angelieloise @rem_paulino!”

Tulad ng ibang mga kapatid, ay masayang masaya rin si Andrea para sa magiging bagong buhay ngayon ng kanyang kapatid kasama ang asawa nito.




Credit: @andreaetorres on Instagram

Samantala, hindi naman nakal!gtas sa mata ng kanyang mga tagahanga ang mga stunning photos ni Andrea, na siyang makikita sa mga litratong ibinahagi mismo ng Niceprint Photography.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Sa litrato ay makikita ang napakagandang look ng aktres, suot-suot ang kanyang blue formal dress na sinuot niya mismo sa wedding ng kanyang kapatid. At bukod pa dyan ay makikita rin ang nag-uumapaw na kagandahan nito, na tila “blooming” sa kanyang naturang larawan.

Komento pa ng kanyang mga tagahanga ay siya raw ang pinakamagandang Ada na kanilang nakita.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

“Beautiful as always 🔥🔥🔥🔥

“Wow sooo pretty😍😍😍

“Owemgeeee ka gandaa namnn😍❤❤

The post Stunning photos ng Kapuso Actress na si Andrea Torres sa kasal ng kanyang kapatid na si Angeli, inulan ng papuri mula sa mga Netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments