Anak ng aktres na si Assunta De Rossi na si Baby Fiore, masayang nagdiwang ng kanyang unang kaarawan

Walang imposible at ang milgaro ay maaaring mangyari kapag ikaw nga ay tunay na naniwala at nagtiwala sa Panginoon. Mga pangyayari na hindi inaasahang magaganap pa, kahit lumipas na ang ilang taon sa paghihintay.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Ganito nga maituturing ang biyayang dumating sa buhay ng mag-asawang Assunta De Rossi at Jules Ledesma, na sa hindi inaasahan ay pagkakalooban pa sila ng isang sanggol sa kabila ng kanilang higit sa isang dekada na pagsasama bilang mag-asawa.

Maituturing na isang malaking Milagro ang nangyari sa kanilang buhay matapos isilang ni Assunta ang kanilang panganay na anak, noong nakaraang taon buwan ng Oktubre, na si Giulia Florentina ‘Fiore’ Alessandra.




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Kaya naman sa pagdating ni Baby Fiore sa kanilang buhay, ay maituturing na siya ang “miracle baby” ng mag-asawa na siyang bumuo at nagbigay kulay sa kanilang masayang pamilya ngayon.

Sa edad na 37 ng aktres ng kanyang isilang si Baby Fiore, ay aminado ito na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bago makamit ang minimithing sanggol na matagal na nilang pinagdarasal noon.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

At ngayon nga na kapiling na nila ang kanilang anak, ay makikitang walang oras at araw na hindi nila ito kasama, tulad na lamang ang walang humpay rin na pagbabahagi nila ng mga cute na litrato at videos nito sa social media.

At dahil proud ang first time mom sa kanyang anak na si Baby Fiore, ay tulad rin ng ibang mommies ay excited rin si Assunta na ibahagi sa publiko ang bawat monthly celebration ng kanyang anak.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na buwan-buwan ay ipinagdiriwang ng celebrity mom ang buwanang kaarawan nito, na siyang makikita sa mga litrato ni Baby Fiore habang nakasuot pa ng magagandang baby dress.

At makalipas nga ng isang taon, ang cute na cute na si Baby Fiore ay masayang nagdiwang na ng kanyang ika-1st birthday ngayong araw October 23, 2021.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


Sa litratong ibinahagi ni Assunta sa kanyang Instagram account, makikita ang napakagandang si Baby Fiore na nakasuot ng isang floral dress, habang nakaupo sa kanilang sofa katabi ang sign board na “I am 1 year old”.




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Kalakip ang larawan nito ay ang caption na inilagay ng aktres na, “Everyday, we thank the Lord for you. Happy birthday, little miracle!”

Tunay ngang napakabilis ng panahon, dahil sino ang mag-aakala na ang dating pinagdarasal lang noon ni Assunta ay kanya ng kasa-kasama ngayon at masayang ipinagdiriwang ang espesyal na araw ng buhay nito.

The post Anak ng aktres na si Assunta De Rossi na si Baby Fiore, masayang nagdiwang ng kanyang unang kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments