Ryza Cenon, nagbahagi ng taos pusong mensahe para sa 1st birthday ng kanyang anak na si Night

Ang pagdiriwang ng araw ng ating kapanganakan o ang ating kaarawan ay isang beses lamang maganap sa isang taon. Kaya naman sa tuwing nalalapit na ang espesyal na araw na ito, ay talaga namang pinaghahandaan natin bilang pasasalamat sa panibagong taon na ipinagkaloob sa atin.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

At bilang isang magulang, hangad nila ay maibigay ang “best birthday” hindi lamang para sa kanilang asawa kundi lalo na para sa kanilang mga anak.

Tila ganyan nga mailalarawan ang celebrity at hands-on mom na si Ryza Cenon pagdating sa kanilang baby boy ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz na si Baby Night.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa pagdating ni Baby Night sa buhay at kanilang relasyon dalawa, ay dito mas naging masaya at makulay ang kanilang pagsasama. Kaya naman hindi maitatanggi na sa bawat litrato at videos na ibinabahagi nito sa socmed ay laging patok sa madla.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Kaya ngayon sa ika-1 taon na kaarawan ng kanilang anak, ay isang taos puso at puno ng pagmamahal na mensahe ang ipinaabot ni Ryza bilang pagbati sa kaarawan ni Baby Night nito lamang Oktober 31, 2021.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Kalakip ang mensahe nyang ito ay isang slideshow video ng mga litrato ni Baby Night noong ito ay bagong silang pa lamang, ang kanyang ibinahagi at makikita rin ang ilan sa kanilang mga larawan na kung saan sila ay magkasama mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Ayon sa kanya, “To my dearest Night, Happy 1st birthday! It’s hard to believe that you’re already a year old. Parang kailan lang nasa tummy ka ni mommy, but here we are celebrating your first birthday. Yey!!!! I thank God sa pagsagot ng dasal ko. At ikaw yun anak. You complete us and give us hope. We’re looking forward to seeing you grow up to become a good, responsible, and adorable person. We love you sooooo much! Happy birthday! @iamnightcruz”


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Samantala, nagbahagi rin naman ng litrato ang partner ni Ryza na si Miguel ng larawan ni Baby Night, na kung saan ay makikita ang kanyang suot na birthday party hat katabi pa ang “One” na letter LED nightlight.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Makikita naman sa kanyang naging pagbati ang kanyang mensahe para sa anak, “It was exactly a year ago today when this little bundle of joy came into our lives. Welcome to toddlerhood son!! We love you!!”

The post Ryza Cenon, nagbahagi ng taos pusong mensahe para sa 1st birthday ng kanyang anak na si Night appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments