Jillian Ward, ipinasilip ang kanyang bago at napakagandang sasakyan

Unang nasilayan ang former child star na si Jillian Ward ng siya ay mapabilang sa Little Miss Philippines na kanyang sinalihang contest sa reality show na Eat Bulaga.


Credit: @jillian on Instagram

Hindi maikakaila na malayo na nga ang narating na tagumpay ni Jillian, na sa kanyang murang edad pa lamang ay kanya ng pinahanga ang publiko, sa kanyang kakaibang dedikasyon at pagpupursige sa kanyang trabaho.

Kaya naman hindi lamang siya nakilala sa kanyang natural na kagandahan, kundi isa ring mahusay na artista na hinahangaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Una na siyang hinangaan ng publiko sa kanyang pagganap sa title role na Gertrudis “Trudis” Capili, mula sa sine novelang pinamagatang “Trudis Liit”. At nito lamang nakaraan ay ginampanan rin niya ang karakter bilang si Marie “Mavi” Madreal Claveria sa teleseryeng “Prima Donnas”.




Credit: @jillian on Instagram

Kaya naman sa kabila ng kanyang kasikatan at sa mga nauusong kanta ngayon tulad ng “BMW” ng local rapper na si Because, ay hindi rin nagpahuli ang aktres at nakisabay sa trending.

Tulad na lamang ang kantang “BMW”, ay talagang nakisabay si Jillian sa mga nauuso ngayon. Dahil ang dating child Star ay ibinida lang naman ang kanyang “new baby” at ito nga ang kanyang bagong BMW na sasakyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Sa litratong ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikita ang dalaga na nakasuot ng isang black outfit dress, habang nasa kanyang likuran naman makikita ang kanyang bagong sasakyan na naipundar.


Credit: @jillian on Instagram

Tila ba wala ngang imposible sa taong nagpupursige dahil tulad ni Jillian, siya ay nagsilbing inspirasyon ng karamihan na sa kabila ng kanyang edad, na 16 taong gulang pa lamang ay nakabili na ng sariling sasakyan.

Kaya naman ang mga netizens ay labis na napabilib at ibinahagi ang kanilang mga saloobin at komento matapos masilayan ang “new baby” na ito ng aktres.


Credit: @jillian on Instagram

“aaah. congrats, Jill! you deserve it! 🖤

“Congrats Jillian to your new car❤

“Congrats to your new BMW car. You deserve it! 😍

The post Jillian Ward, ipinasilip ang kanyang bago at napakagandang sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments