Goin’ bulilit child star na si Hopia, ibinahagi ang masayang bridal shower na inihanda ng kanyang mga kaibigan

“Huling hurrah bago ikasal!” ganyan nga inilarawan ng former Goin’ Bulilit Star na si Trina Legaspi o mas nakilala ng publiko bilang si “Hopia”, matapos ibahagi ng aktres ang napakasayang bridal shower na inihanda ng kanyang mga kaibigan para sa kanya.


Credit: @trinalegaspi on Instagram

Araw ng Linggo, ika-14 ng Nobyembre ng ibahagi ni Trina sa kanyang social media account ang isang video, na siya rin namang makikitang nakasama niya sa naturang dance video ang ilan sa kanyang mga kaibigan kasama na nga rito ang aktres na si Michelle Vito.


Tila isang “super rush bridal shower” nga ang naganap sa kanilang naturang selebrasyon na siyang inihanda ng mga kaibigan ni Trina, bago pa man ang kanyang nalalapit na pagpapakasal sa kanyang fiancé na si Ryan Jarina.

Makikita sa kanilang mga litrato na magkakasama, ang kanilang masasayang ngiti, lalong-lalo na ang labis na pag-eenjoy ng aktres kasama ang kanyang mga kaibigan.


Credit: @trinalegaspi on Instagram

At dahil kabilang si Michelle sa magiging brides maid ni Trina sa I kanyang kasal, ay isang maiklli at taos pusong mensahe naman ang kanyang ipinaabot na kung saan ay inilahad ni Michelle ang kanyang tuwa at labis na kasiyahan para sa kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Vito (@michellevito)


Aniya, “Pinapanood lang kita nung bata ako.. ngayon bridesmaid mo na ako. I am so happy for you teh. can’t wait to see you on your wedding day. Ily”

Sa mensahe niyang ito ay pinasalamatan siya ni Trina at sinabing siya ay labis na natutuwa dahil kabilang ang aktres sa kanyang mga magiging bridesmaid.




Credit: @michellevito on Instagram

Sagot ni Trina, “Awww! Thank you teh! Super happy ako na ikaw ang bridesmaid ko… Ilang days na laaaang! See you and love you!”


Ngunit maliban kay Michelle ay kanya ring ibinahagi na ang Kapamilya actress na si Julia Montes at ang dating Luv U star na si Angeli Gonzales, ay magiging bridesmaid nya rin sa kanyang kasal.


Credit: @michellevito ​on Instagram

Matatandaang November ng nakaraang taon ng maganap ang engagement proposal ni Ryan para kay Trina.

The post Goin’ bulilit child star na si Hopia, ibinahagi ang masayang bridal shower na inihanda ng kanyang mga kaibigan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments