Francine Diaz, agaw pansin ang angking kagandahan matapos rumampa sa isang fashion show

Sa kakatapos lamang na teleserye na “Huwang Kang Mangamba”, ay talaga namang nasilayan ng publiko ang natatanging husay at galing ng teen star na si Francine Diaz sa pagganap sa kanyang naturang karakter.


Credit: @francinesdiaz on Instagram

Ngunit hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte siya nakilala, kung hindi ay mas nangibabaw rin ang kanyang angking kagandahan, na ayon pa sa mga komento ng mga Netizens ay tila siya raw nga ang susunod sa yapak ng mahusay at napakagandang aktres noon na si Kristine Hermosa.

Kaya naman hindi kataka-taka na isa si Francine Diaz sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang napiling maging modelo at muse sa isang fashion show para sa mga natatanging gawa at obra ang local fashion designer na si Michael Leyva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Naganap nga ang naturang fashion show sa Hilton Manila nito lamang Sabado, November 13, 2021, na kung saan ay ibinida ang ilan sa mga 2022 bridal gown collection ni Michael.

At bilang muse sa naturang fashion show, hindi naman nagpahuli sa pagrampa si Francine at ipinakita ang kanyang suot-suot na floral appliqués na strapless lavender gown.




Credit: @francinesdiaz on Instagram

Sa mga litratong ito ng teen star ay talaga namang ang kanyang ganda ay nangingibabaw, na siyang ayon pa sa kanyang naging caption ay naranasan niya na maging isang napakagandang prinsesa.

Aniya, “Felt like a real princess from yesterday’s fashion show. Thank you Kuya Michael for choosing me to be your muse! It’s an honor for me to wear one of your beautiful gowns.”


Credit: @michaelleyva_ on Instagram

Dahil dito ay inulan naman ng papuri at komento mula sa mga netizens ang litratong ito ni Francine.
Ayon sa kanilang mga naging komento, “NAPAKAGANDA MOOOOOOOO 😭💜💛

“You’re beautiful 😍😍


Credit: @francinesdiaz on Instagram

“our living disney princess carrel ✨

Maliban kay Francine, isa rin sa mga napiling maging modelo sa naturang fashion show ang kanyang kaibigan at kasama sa katatapos lang na teleserye na si Andrea Brillantes, na nakasuot naman ng isang intricate beadwork na fiery red ball gown.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Bukod kina Francine at Andrea, ay rumampa rin sa naturang show ang mga naggagandang Binibini ng Pilipinas, ang newly-crowned Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez, kasama pa ang ilan sa magagandang dilag na sina Maureen Wroblewitz, Steffi Aberasturi, at Victoria Velasquez Vincent.

The post Francine Diaz, agaw pansin ang angking kagandahan matapos rumampa sa isang fashion show appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments