Doug Kramer at asawang si Chesca Garcia, sinurpresa ang mga anak sa kanilang mas pinagandang swimming pool

Makalipas ang anim na buwan na pagpapagawa at pagpapa-renovate, ay sa wakas ipinasilip na sa publiko ng Team Kramer ang kanilang newly renovated swimming pool.


Credit: @dougkramer on Instagram

Ito nga ay masayang ipinasiilip ng dating PBA player na si Doug Kramer ang dalawang surpresa na kanyang inihanda at ipinakita sa kanilang mga anak ng kanyang asawa na si Chesca Garcia.

Para sa unang sorpresa na kaniyang inihanda, isang personalized home basketball court ang ipinagawa ni Doug para sa kaniyang bunsong anak na si Gavin.


Credit: @dougkramer on Instagram

Mula sa dating disenyo ng kanilang basketball court, ay makikitang nakalagay na rito ang kanilang family name na “Team Kramer”, at maliban pa diyan ay mapapansin rin na ipinalagay ni Doug ang paborito ng kanyang pamilya na Bible verse ang “2 Corinthians 12:19”.

Ayon kay Doug, “We have our name here, Team Kramer – and it’s personalizd, it’s FIBA approved.”




Credit: @dougkramer on Instagram

Samantala, hindi naman diyan natatapos ang kaniyang sorpresa, dahil makalipas nga ang anim na buwan, ay ngayon ipinasilip na ni Doug ang kanilang bagong renovated na swimming pool.

Aniya, “We have been constructing and repairing our swimming pool – After 6 long months of renovation because of problems and improvement, we’re finally putting water.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Dagdag pa niya, “it used to be blue, but now it’s a stone and this used to be a kiddie pool. Now it’s a heated Jacuzzi so, nung nag repair kami, in-improve na din namin.”


Credit: @dougkramer on Instagram

Tila ba ang bagong style at itsura ng kanilang pool ngayon ay hindi lamang natatapos doon, dahil pagdating sa mga ginamit na materyales sa paglalagay ng mga tiles mula dito , ay nagmula pa umano sa bansang Indonesia.

“Our swimming pool used to be color blue and those were mosaic tiles, but for this one, we took it as an opportunity to change it and blend with nature so we got green Sukabumi strone from Indonesia. So it has a spa-like feel.” ani ni Doug.


Credit: @dougkramer on Instagram

Kaya naman ang Team Kramer ay wala na ngang pinalagpas pa na oras at panahon. at sabay-sabay nang tumalon sa swimming pool at in-enjoy ang kanilang bagong renovated pool.

Sa litratong ibinahagi ni Doug sa kanyang Instagram account, makikita na labis na nag-enjoy ang kanilang pamilya, lalong-lalo na ang mga anak nina Doug at Cheska na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Samantala, ganoon din naman ang tuwa at saya ng mga netizens matapos masilayan ang kanilang napakagandang swimming pool.

The post Doug Kramer at asawang si Chesca Garcia, sinurpresa ang mga anak sa kanilang mas pinagandang swimming pool appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments