Dimples Romana, pinatunayan ang kanyang timeless beauty sa ginawang birthday photosh0ot bilang pagdiriwang ng kanyang ika-37 na kaarawan

Sa kabila ng kaliwa’t-kanan na trabaho at busy schedule ngayon ng Kapamilya actress na si Dimples Romana, pinatunayan ng celebrity mom na sa kanyang edad ngayon na 37, ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang angking kagandahan.


Credit: @dimplesromana on Instagram

At ito nga ay pinatunayan ni Dimples sa kanyang masayang pagdiriwang ng ika-37 na kaarawan nito lamang nakaraang Biyernes, November 13, 2021.

Sa espesyal na araw na ito sa buhay ni Dimples, ay nagbahagi rin ang aktres ng kanyang mga lovely and gorgeous photos na kung saan ay makikita ang ginawang birthday photosh0ot ng aktres para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Makikita sa larawang ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account, ang kanyang mala ageless and timeless beauty na talaga namang kahit sino ay mamamangha sa kanyang natatanging ganda.

Bukod sa solo photos sa kanyang naturang birthday sh0ot, ay nagbahagi rin si Dimples ng larawan na kasama naman ang kanyang panganay na si Callie.




Credit: @dimplesromana on Instagram

At makikita nga sa kanilang adorable photos na sila ay parehas na nakasuot ng white sleeveless shirt at maong pants, isama pa ang astig na Harley Davidson Sportster 1200 Iron na pagmamay-ari mismo ni Callie na nagbigay ng astig look sa kanilang photos.

Sa kabila nito labis naman ang naging pasasalamat ni Dimples mula sa mga natanggap na birthday greetings and message sa kanyang kaarawan, na ipinaabot ng kanyang mga pamilya, kaibigan at tagahanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Mensahe ni Dimples, “Taking in all your beautiful, heartwarming birthday messages. Crying so early. Thinking HOW CAN I BE this LUCKY and BLESSED! Still going over all your videos and photos LOVE YOU GUYS!!”

Samantala, ang kanyang matalik na kaibigan at best friend naman na si Angel Locsin na isang mahusay na aktres at real-life Darna, ay nagbigay rin ng nakakaantig at taos pusong mensahe para sa kaarawan ng kanyang kaibigan.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Aniya, “Treating you to mangang hilaw many years ago, was one of the best decisions I ever made. After all these years, going strong pa rin tayo. Seriously, you know how much I love you and I’ll always have your back no matter what. I’m proud to call you my best friend. Happiest birthday to the best! Love you @dimplesromana”

The post Dimples Romana, pinatunayan ang kanyang timeless beauty sa ginawang birthday photosh0ot bilang pagdiriwang ng kanyang ika-37 na kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments