Cristine Reyes, masayang nagbakasyon sa Boracay kasama ang kanyang anak na si Amarah

Sa bawat araw at panahon na lumilipas, tunay ngang hindi madali para sa isang magulang ang mamuhay at palakihin ang kanilang mga anak ng mag-isa.


Credit: @cristinereyes on Instagram

Ang reponsibilidad na nakapatong sa kanilang mga balikat ay hindi lamang isa, bagkus ito ay dalawang responsibilidad ang siyang dapat na gampanan, at ito nga ay pagiging isang ama at ina para sa kanila.


Totoo ngang ang pagiging single parent ay hindi madali, ngunit para sa aktres at celebrity mom na si Cristine Reyes, ang kaniyang pagiging single mommy at daddy ng sabay sa kaniyang unica hija na si Amarah ay maituturing na “blessing in disguise”.




Credit: @cristinereyes on Instagram

Kaya naman sa kabila ng mga pinagdaanan at naganap na hiwalayan sa ama ni Amarah na siya ring dating asawa ni Cristine na isang mixed mart!al arts, ay makikita na sa pagdaan at paglipas ng panahon ay patuloy na mas pinatatag at mas pinatitibay ang aktres at ang kanilang relasyon bilang mag-ina.

Sa katunayan pa nga kahit busy man si Cristine sa kanyang trabaho at tungkulin na kailangan gampanan bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz, ay hindi naman maaaring mawala ang kanyang oras pagdating sa pagbibigay ng panahon na makasama at maka-bonding si Amarah.


Kaya naman ngayon ay tila ang mag-ina ay hindi lamang magkasama sa hirap at ginhawa, kundi isa na rin ngayong inspiring travel buddies na siyang labis namang ikinatuwa ng mga netizens, dahil sina Cristine at Amarah ay masayang nililibot ang mundo ng magkasama.

Sa mga litrato at videos nilang mag-ina, ay sino ang mag-aakala na hindi lamang Pilipinas ang kanilang binibisita ngayon, kundi kanila ring napuntahan na ang bansang France, Finland, United Kingdom, at marami pang iba.


Tila ba ang kanilang mother-daughter goals ay talaga nga namang nakaka-inspired, lalo na ngayon na ang dalawa ay masayang bumalik muli sa kanilang paboritong ‘tambayan’ o madalas na puntahan, ito nga ay walang iba kundi ang isla ng Boracay.

Kalakip ang kanilang masayang bakasyon doon at ang masayang litrato na magkasama, hindi naman nakalampas sa paningin ng publiko ang mala fit and gorgeous body ni Cristine suot-suot ang kanyang bik!ni outfit.


Sa kanyang mga larawan na naka-suot ng bikini, ay talaga nga namang makikita ang maganda at s3ksing pangangatawan ng aktres, lalong-lalo na ang kanyang well-toned abs na siyang labis na nagpamangha sa kanyang mga tagahanga.

The post Cristine Reyes, masayang nagbakasyon sa Boracay kasama ang kanyang anak na si Amarah appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments