Manilyn Reynes, ibinahagi ang kanilang bonding bilang isang masayang pamilya kasabay ng pag-welcome sa daughter-in-law

Sa recent post ng multi-awarded comedienne at Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes, ay kanyang ipinasilip sa publiko ang kanilang happy and beautiful family.


Credit: @manilynreynes27 on Instagram

At kasabay rin nito ang masayang pag-welcome ng aktres sa kanilang pamilya ang daughter-in-law na si Mickey, na asawa ng isa sa kanilang tatlong anak ng kanyang asawa na si Aljon Jimenez na si Kyle.

Sa Instagram post ni Manilyn ay makikita ang kanilang beautiful set of family pictures, na kung saan ay mapapansing magkakasama ang kanilang pamilya sa hapag-kainan habang enjoy na kumakain ng magkakasama.




Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Bilang isang ina at magulang, ayon kay Manilyn ang ganitong klaseng pagkakataon ang isa sa dahilan ng kaniyang kasiyahan, at ito nga ang masilayan ang unti-unting paglaki ng kanyang mga anak at pagiging malapit ng mga ito sa isa’t-isa.
Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Aniya, “Bilang mga magulang, moments such as these ang nakakapagpasaya ng puso namin ni Aljohn. Ang makitang malalaki na ang mga bata at nagkakasundo.”


Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Dagdag pa ng aktres, “‘Yung masaya sila sa mga simpleng bagay. Sama-sama sa kanilang naka-tokang gawain. Luto, linis ng mesa, hugas ng pinagkainan, at pagkatapos, laro at tugtugan Na.”

Tunay ngang wala ng maihihiling pa ang isang magulang para sa kaniyang mga anak, kundi ang mapalaki sila ng maayos, tama, at may tak0t sa Diyos, na siya rin naman dasal at hiling ni Manilyn para sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)


Ayon sa kanya, “Siyempre po tayong mga magulang, ang hiling at dasal natin ay sana napalaki natin ng tama at masaya ang ating mga anak.”

Samantala, maliban sa kasiyahang nadarama ngayon ng aktres, ay siya ring masayang pag-welcome ng kaniyang pamilya kay Mickey na siyang asawa ng isa sa kanyang mga anak na si Kyle.




Credit: @manilynreynes27 on Instagram

Tila ba ang kanilang masaya at magandang samahan, ay mas lalong naging espesyal na may muli ng madadagdag sa kanilang pamilya at ito nga ang pagdating ni Mickey sa kanilang family.

“Na kapag nasa right age na sila, ay makatagpo sila ng mamahalin na equally mabait. Masaya kaming lahat to welcome our Kyle’s wife, Mickey.” ayon sa aktres.

The post Manilyn Reynes, ibinahagi ang kanilang bonding bilang isang masayang pamilya kasabay ng pag-welcome sa daughter-in-law appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments