Baron Geisler, ipinasilip ang masayang bonding time nila ng kanyang anak na si Baby Tali sa Cebu

Magmula sa pagiging matapang at walang kinakat@kutan, ngayon nga ay isa ng ganap na responsable, mapagmahal, at butihing ama ang mahusay na aktor na si Baron Geisler.


Credit: @baron.geisler on Instagram

Simula ng matagpuan ni Baron ang makakapagpatibok ng kanyang puso at makakapagpabago ng kanyang buhay sa katauhan ng kanyang asawa na si Jamie Evangelista, ay dito na rin nagsimulang mabago ang pananaw ng aktor sa maraming bagay.

At ng magkaroon nga ng pamilya at masilayan ang kanyang napakacute na baby girl na si Tali, ay dito na rin tuluyang ginampanan ng aktor ang pagiging isang ganap na ama sa kanyang anak.

Aniya, “Now, family comes first.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


Tulad ng ibang tatay at magulang, mas prayoridad na ngayon ni Baron ang kanyang pamilya, kaya hindi kataka-taka na madalas masilayan ang mag-ama na magkasama mapa larawan man o video ay talaga namang ang dalawa ay hindi na mapaghiwalay.




Credit: @baron.geisler on Instagram

Isa na sa magandang halimbawa nito ay ang masayang pamamasyal nina Baron at Tali sa isang theme park na matatagpuan sa Cebu, ang Paroro Park sa JPark Island Resort and Waterpark.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


Kalakip ang kanilang mga litrato na magkasama, ang masayang bonding moments nilang mag-ama na kung saan ay makikita ang todo suporta ni Baron, pagdating sa mga hilig gawin ng kanyang anak.

Tunay ngang ang paglalaro ay hindi lamang para sa mga bata bagkus ay pwede rin sa mga matatanda.


Credit: @baron.geisler on Instagram

Dahil tila hindi lamang ang kanyang unica hija ang nag-enjoy sa kanilang masayang bonding time, kundi pati na rin si Baron ay nakisaya na rin kasama ang kanyang anak.

“I had fun being a toddler with the kids yesterday” ani ng aktor.


Credit: @baron.geisler on Instagram

Sa kabila ng mga pinagdaanan noon ni Baron, ay kanyang pinatunayan na ang bawat isa ay may kakayahan pa din baguhin ang madilim na mundong kanilang nakasanayan, at palitan ito ng isang bago at magandang panimula kasama ang iyong pamilya.

Tulad nga ng kanyang sinabi, family first, family is love.

The post Baron Geisler, ipinasilip ang masayang bonding time nila ng kanyang anak na si Baby Tali sa Cebu appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments