Andrea Del Rosario, ipinasilip ang napakapaganda at napakalawak na bahay bakasyunan sa Batangas

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres noong kanyang henerasyon, ay sino ang mag-aakala na ang dating hinahangaan lang noon ay may-ari na ng isang napakagandang hacienda ngayon.

Ito nga ay ang former member ng Viva H0t Babes at dating vice mayor ng Calatagan, Batangas na si Andrea Del Rosario, ay muli na namang inimbitahan at ipinasilip sa publiko ang kanyang mala haciendang bahay bakasyunan sa Batangas.

Masayang ipinasyal ni Andrea ang mga manonood ng kanyang sariling YT channel, at dito nga ipinakita ng aktres ang kanilang asian inspired na beach house, na talaga namang kahit sino ay mare-relax at mamangha sa ganda nito.

Ayon sa aktres, ay mayroong limang kwarto ang kanilang beach house at makikita rin ang napakagandang view mula rito na siyang matatanaw ang lawak at ganda ng karagatan.

“Beata”, ganiyan nga ang ibinigay na pangalan ng kanilang pamilya, na kung saan ay hango ito sa pangalan ng anak ni Andrea na si Beatrice at ang pangunahing ibig sabihin ay “blessed”.

Bago pumasok sa kanilang beach house, ay bubungad sayo ang isang outdoor space, na siya ring kinakainan o hindi naman kaya ay pwede ring maging hangout section ng pamilya o mga kaibigan.

Mula rito ay maghahatid naman sayo papasok sa loob ng kanilang tahanan, ang mga green sceneries at kanilang sariling garden.



Pagpasok pa lamang sa loob ng kanilang munting tahanan, ay dito naman makikita ang hatid nito na kakaibang vibes, na siyang kapansin-pansin ang mala earth tone-themed na disenyo nito magmula pa lamang sa mga kagamitan at palamuti na makikita rito.

Maliban pa diyan, ay hindi rin magpapahuli ang iba’t-ibang antique na kagamitan na makikita sa bawat sulok ng kanilang tahanan, na ayon pa kay Andrea ay siya raw mismo ang bumibili ng mga ito sa mga international at local stores.

Aniya, “Actually, ang nangyayari ay tuwing pumupunta kami dito, instead of buying other things, lagi akong mag-stop by ng mga antique stores. Hanggang sa paunti-unti naman siyang napuno.”

Dagdag pa niya, “As you walked around the house, you would see mga collections of antique things, because the theme of the house is Asian inspired.”

Sunod naman na ipinakita ni Andrea ang kanilang earth tone-themed na living at dining room, na kung saan ay makikita ang isang napakalaking wooden dining table katabi ng kanilang kitchen.

Pagdating naman sa master’s bedroom, tila isang Thai-Indonesian inspired bedroom naman ang naging disenyo nito, na siyang isa sa mga matagal ng gusto ni Andrea.

Ipinakita rin niya ang kanilang bathing pool, at ilan pa sa mga antique collection na nagpadagdag sa ganda ng kanilang beach house.

The post Andrea Del Rosario, ipinasilip ang napakapaganda at napakalawak na bahay bakasyunan sa Batangas appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments