Jake Ejercito, muling lumipad patungong Siargao upang sopresahin at bisitahin ang kanyang unica hija na si Ellie para sa kaarawan nito

Isang napakasayang birthday surprise ang inihanda ng ng “Marry Me, Marry You” Star na si Jake Ejercito, para sa ika-10 na taong kaarawan ng kanyang anak sa dating kasintahan na si Andi Eigenmann na si Ellie.


Credit: @unoemilio on Instagram

Bago ang naturang selebrasyon, ay nagbahagi ang aktor ng mga litrato sa kanyang Instagram account na kung saan ay kasama niya rito ang anak na si Ellie mula noong baby pa lamang ito hanggang sa paglaki.


Credit: @unoemilio on Instagram

Kalakip ang kanilang mga litrato na magkayakap sa isa’t-isa, ay ang taos-pusong mensahe naman ni Jake sa kanyang anak para sa kaarawan nito.

“Carrying you through the waves of life for a decade now!! And I promise to continue doing so endlessly, every single day. There will never be enough room in this world for daddy’s love for you Happy birthday, my love xx”, saad ni Jake.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Bago pa man maganap ang mismong kaarawan ni Ellie ay lumipad na nga patungong isla ng Siargao ang aktor, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Jerika at Jacob, upang sorpresahin ang kanilang OG Princess na si Ellie.

Sa official facebook page ni Jake ay kanyang ibinahagi ang video na kung saan ay makikita si Ellie na tumatakbo papunta sa kanyang Daddy, at binigyan nga ito agad ng isang mahigpit na yakap pagkalapit pa lang sa ama.

Ngunit tila hindi lamang ito ang sopresa ng aktor, dahil sa kanilang pagpunta sa loob ng isang villa, ay hindi inaasahan ni Ellie na makikita roon ang kanyang mga pinsan kasama na ang kanyang Tito Jacob at Tita Jerika.

Tila ganoon na lamang ang saya ng kaniyang anak na makatanggap ng ganitong klaseng sorpresa mula sa kanyang ama.


Credit: @unoemilio on Instagram

Sa kabila nito ay makikita rin naman ang ilan sa masasayang activity na ginawa ng kanilang pamilya, tulad na lamang ang pag-eenjoy sa kanilang painting session at ang munting salu-salo sa isang Spanish restaurant na matatagpuan mismo sa isla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jacob Ejercito (@jacobejercito)


Matatandaan na nito lamang September nang muling umuwi pabalik ng Siargao si Ellie matapos ang ilang linggong pagbabakasyon sa Manila upang makasama at maka-bonding ang kanyang ama.

The post Jake Ejercito, muling lumipad patungong Siargao upang sopresahin at bisitahin ang kanyang unica hija na si Ellie para sa kaarawan nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments