Anne Curtis at Erwan Heussaff, masayang namasyal sa Paris, France kasama ang kanilang anak na si Dahlia Amelie

Tila wala na ngang pinalampas pa na sandali ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, na magkasamang nagbakasyon sa ibang bansa upang sulitin ang bawat sandalling kanilang kasama ang kanilang anak na si Dahlia Amelie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Nito lamang kamakailan, ay muli na namang nasilayan ng publiko ang pamilya nina Anne at Erwan, sa kanilang masayang trip at pamamasyal sa City of Love ang Paris, France.

Marahil ito nga ang unang pagkakataon na nakasama ng mag-asawa ang kanilang anak na si Dahlia sa kanilang travel goals and adventure sa European City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


Kaya naman sa kani-kanilang magkahiwalay na Instagram account ay nagbahagi ang celebrity couple ng ilang videos at larawan na kuha mismo sa kanilang masayang bakasyon sa Paris.

Una na ngang nagbahagi ay si Erwan, na kung saan ay makikita sa kanyang IG post ang video ng kanilang masayang paglalakbay bilang isang buong pamilya, mula sa kanilang pag-alis sa Pilipinas hanggang sila ay makarating ng ligtas sa Europe.


Samantala, hindi naman nagpahuli ang aktres na si Anne sa pagbabahagi ng isang video na, na kung saan ay makikita ang labis na pag-eenjoy ni Dahlia magmula pa lamang sa paglalakad at pagpapakain ng mga ibon sa park, hanggang sa kanilang masayang pamamasyal sa Trocadéro Carousel, na malapit sa isa sa mga famous landmarks sa Paris ang Eiffel Tower at Palais de Chaillot.


Credit: @erwan on Instagram

Maliban pa diyan ay ipinasilip rin nila ang masayang reaksyon ni Dahlia, ng masilayan nito sa unang pagkakataon ang “duraffe” na matatagpuan sa museo ng Grande Galerie de l’Evolution, na kilala naman mula sa mga hatid nitong life-size models ng African wildlife.

Tila ba bukod sa napakagandang tanawin na hatid ng Paris ay hindi naman maikakaila na labis nag-enjoy ang kanilang pamilya sa masaya nilang bonding moments na magkasama.



At dahil isa ang pamilya nina Anne at Erwan sa talaga namang sinusubaybayan ng madla sa online world, lalo na ang nag-uumapaw na kakyutan ni Dahlia, ay ganoon na lamang rin kadami ang komento na kanilang natanggap mula sa mga netizens.


Credit: @erwan on Instagram

Ilan sa kanilang mga komento ay, “Beautiful family and very much happy family❤❤❤❤

“She is so cute. I love her mini trench coat😍😍 so sweet.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“Dahlia you’re so adorable❤❤❤

“Cute cute dahlia!! 😍😍😍


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Matatandaang isinilang ni Anne si Dahlia noong Marso taong 2020 sa Australia, at sa kalagitnaan ng naranasang pandemya ay naisip ng mag-asawa na pansamantalang mamalagi muna roon hanggang sa ligtas na maisilang ang kanilang anak at makabyahe pabalik ng Pilipinas.

The post Anne Curtis at Erwan Heussaff, masayang namasyal sa Paris, France kasama ang kanilang anak na si Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments