Sofia Andres, ipinasilip ang kanilang masayang “Makeup session” kasama ang kanyang anak na si Zoe

Hindi na bago sa ating mga paningin ang makita ang ating mga iniidolo at hinahanggang mga personalidad sa showbiz, na laging nakapostura sa harap at likod man ng kamera.


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Ito nga ay dahil sa klase ng kanilang trabaho, na ang pagiging isang artista ay kinakailangang laging presentable at maayos sa paningin ng mga taong kanilang nakikita at nakakasalamuha.

Kaya naman sa tuwing sila ay ating makikita, ay talaga namang ang lahat ay napapahanga mapa simple o bongga man ang kanilang itsura at postura.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Tulad na lamang ng mahusay na aktres at hands-on mom na si Sofia Andres, na ang kanyang napakagandang mukha ang isa sa kanyang mga naging puhunan upang siya ay tingalain at suportahan ng nakararami.

Mula sa kanyang magandang mukha at pangangatawan, nagsilbi na ring inspirasyon ang aktres hindi lamang sa mga taong nakakakilala sa kanya kundi pati na rin ang kanyang mga tagahanga.


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Ngunit tila ba’y hindi lamang ang mga netizens ang nahumaling sa kanyang ganda at ginaya ang kanyang sariling style at itsura pagdating sa pagpapaganda, dahil ang kanyang anak na si Zoe ay nakigaya rin at nagpaganda sa harapan ng kamera.

Ito nga ay makikita sa video na ibinahagi ni Sofia sa kanyang Instagram account na kung saan ay makikita ang cute at napakagandang si Zoe, na may hawak na makeup brush at palette sa kanyang kamay at minake-up-an mismo ang kanyang mukha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Kahit maliit pa lamang, ay tila gusto na nga nitong gayahin ang kanyang Mama Sofia pagdating sa pagpapaganda at paglalagay ng make up sa kanyang mukha. Ayon sa mga komento ng kanyang mga tagahanga, “kikay like mommy” kung tawagin si Zoe dahil nga sa napakacute na ginawa nito sa kanyang sarili.




Credit: @iamsofiaandres on Instagram

“So cute sure ako paglaki ng zoe mag aartista din yan super cute manangmana sa mommy @iamsofiaandres”

“Your so adorable ZoZo😍😍😍 luviewww😘😘😘😘


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

“You’re so cute zoe😍😍😍

“OMIII SUCH AN PRETTY ANGEL 😇 😍😍😍❤grabe an ganda na cute pa ni zoee💕💕💕💕💕💕

Bukod pa sa video ni Zoe ay makikita rin ang larawan nito na kung saan ay nagkaroon sila ng make-up session ng kanyang Mama Sofia.


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Tunay ngang “like mother, like daughter” kung ilalarawan ang masayang bonding moments ng mag-ina.

The post Sofia Andres, ipinasilip ang kanilang masayang “Makeup session” kasama ang kanyang anak na si Zoe appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments